Monday, May 4, 2009

SAGLET



Simula’t simula pa ay pinaghahandaan ko na talaga ang pakikipagkita sa “kanya” lalo na pag kasama niya ang kanyang tropa. Hindi ko lubos maintindihan noon kung bakit kailangan kong ibahin ang aking ganap na personalidad para lamang makasabay sa kanilang himig. Ang pagkakahilig nila sa pagkain at “friendly discussion” ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob para sumabay . Empty handed akong lumalaban sa mga pagkakataong nagsisimula na silang gumawa ng eksena. Ang eksenang di angkop sa mga batang manunood ay alay nila sa natatanging biktima. Doon nauungkat ang mga detalyeng pilit mong iniiwasan at mga tanong na hindi mo masagot ng oo o hindi. Sa paglathala ng mga texts na nawrong send, sa mga sagradong endearments na ibinubuko, sa pagkumbinse sa iyo na bumunot ng wallet, at sa kidlat sa bilis na pagtukoy sa iyong “kahinaan” (Maam!), ay isang mala-joyful ride sa roller coaster na walang harness. Dahil silang lahat ay matatalino, mahihirapan kang lumusot. Sari-saring bokabularyo at pamatay na kataga ang aking natututunan. May kanya-kanya din silang paniniwala. Mahusay kumilatis at higit sa lahat, walang mintis sa pagacknowledge - Tse!, I kick u!
IIlan lamang ito sa aking mga “rules of engagement” para sa kanila:
1.Iwasang mawrong send
2.Huwag dib-dibin ang “tse!”
3.(Mas lalong) Huwag dib-dibin ang “i kick ur balls!”
4.(Pinaka lalong) Huwag dibdibin ang mga comments sa multiply
5.Pakiramdaman ang mood ng bawat isa (lalo na si …)
6.Matutong magsalita at makijoin sa usapan (kahit mahirap)
7.Iwasang maging korni kadalasan (minsan lang)
8.Maging listo sa mga jokes na binibitawan nila
9.Huwag magpapahalatang nasaktan/apektado
10.Huwag maging killjoy

Sa pagtakbo ng panahon, ay nabuo ang kagustuhan kong sila’y maging kaibigan at lubusang makilala.

TSE!!!! I KICK U ALL!!! LOL!

Monday, March 9, 2009

Paalam Kiko


Pumanaw na si Kiko. Oo, si Francis “Kiko” Magalona. Feeling close mang pakinggan, ay nakakalungkot talagang isispin ang malaking kawalang ito. Naging instrumento siya sa larangan ng musika na nagmumungkahing mailabas at mapakinggan ang saloobin ng kabataang pinoy. Ang kanyang sinimulan ay nagsilbing pugad ng mga talentadong taong may malaking adhikain sa inang bayan. Maraming mga musikerong sumikat at humubog sa isipan ng karamihan kung paano mahalin ang sariling atin at palaguin ang natatanging nakatagong talento. Ang dating Pepe ay binuhay ni Kiko sa kanyang mainspirasyong kanta na kung saan ay pilit na inaangat ang sambayanang Pilipino.

“….The master rapper has finally wrapped up to meet his Master…”
(- Joey de Leon)

Thursday, February 26, 2009

My Prayer

When your burden seems the hardest
And tears stream down your face,
"Come, speak and I will listen"


I lift you up to gaze the wonders in the sky.
Though, in your heart, you can't hear what I say.
"Come, let’s enjoy and I will show you the way."


This world, I began to love
How foolish, that You, I subside!
I'm longing for that warmth of embrace.


Eyes kept closed in the dark, coz you’re afraid.
Let me see thy yearning face and wounded heart.
I lit the candle of life..
"Come, and feel my embrace"



I need to speak out!
These clutters inside my heart
Listen O God.

Thursday, February 12, 2009

Kayang-kaya!



Madalas kong binabalik tanaw ang retratong ito. Ito ang araw/gabi ng huling pagtutuos sa aming dakilang proyekto- Feasibility study tungkol sa pagtatayo ng Flower shop. Mahusay daw kami sa "cramming" activities kaya't naabutan kami ng gabi para lang balansehin ang financial statements. Paano kasi, puro theoretical lahat ng figures. Sa kalaliman ng gabi, nagtatawagan ang iba't-ibang grupo at nagkakamustahan kung ano na ang development ng proyekto. Panay din ang kanchaw sa mga kulelat na grupo at meron ding hingian ng mga tips kung pano makalusot sa delubyo. Hindi maitanggal sa aming sarili ang kaba at alinlangan na baka hindi namin maipasa sa nakatakdang panahon, kaya lahat kami ay abalang-abala sa pagsalik-sik ng iba't-ibang sources na pwedeng makunan ng panibagong ideya. Helpful ideas ika nga!
Sa gabing iyon, ay naging primary consumer kami ng "jack and jill". Halos magkasakit na sa bato dahil sa dami ng maaalat na junk foods na nilamon para lng labanan ang antok. Hindi rin mawawala sa usapan ang ice cream at cake. Paano kasi, (mayaman si mama hehe) alagang-alaga kami ng pamilya ng aming isang kagrupo. Matapos makita ang aming tumatagingting na marka sa first draft ay...akalain mong ginanahan pang pakainin kami at di lng basta pagkain..masasarap na pagkain. Mula gabi hanggang umaga, sponsored ang aming mga pagkain. Isama mo na dyan ang pagligo at tulugan. Naging malaking balakid man sa amin ang mga numerong iyon, nagtagumpay na man kami sa aming pinaghirapan. Kinabukasan, alas 4 ng hapon, naging ganap na proyekto na ang aming pinaghirapan. Presentable na para sa defense.

Para sa kaggrupo kong si Maan, kahit wala ka sa picture, utang pa rin namin ang pag kuha nito at sa pagchoreo..hehehe...

P.S. nalaman ko na lang.na ginamit ng ibang lower years ang ating project as reference..wow ha..hehehe..kung alam lng nila...

Thursday, February 5, 2009

valentine's puso

Games or eynterneyt? Hanep talaga ang tagabantay ng isang internet cafe malapit sa amin. Pinapatawa ako sa tuwing maglolog-in na ako. "Kyomputer number 18 sir" (grabeh na toh). At heto, nagbalik na naman sa aking pagbloblog. Wala na yata akong oras para dito, pero, dahil masaya ako ngayon, naisip ko na kailangan ko itong ipagputuloy para sa kalayaan ng aking tila isang batang paslit na imahinasyon. Naging marahas ang oras sa akin kamakailan lang. Halo-halong trabaho at problema ang aking sinuong. Nawala sa prayoridad ko ang Fantaserye ni Kiko. Malapit na ang Marso. Malapit na ang graduation. Di ko talaga maiwasang mag-isip kung saan malalagay ang lahat ng mga graduates na ito. (Sana naman ay malagay sa maayos na trabaho yong special someone ko..)
Aba! mas malapit na pala ang Valentine's day! hmmmmm...Parang gusto kong mag-isip ng bagay na pwedeng ibigay at gusto ko..yung simple, pero, panghabambuhay ang dating..yung tipong di malilimutan..(yung hindi nabibili sa mall)..aha! ayun, nasapul ko na..sa ngayon ay..seykreet muna...

Wednesday, January 7, 2009

Back to work kiko

Napakasarap bumalik sa trabaho matapos ang mahaba-habang holidays!(agree?) Hindi ko agree actually. Mga nakatambak na vouchers, scratch papers, unliquidated expenses, budget drafts, proposed meeting skeds, utang sa mini tindahan sa opisina, baso at mug na hindi nahugasan (last X'mas party pa ata), pending advice sa mga Manedyer, at iba't-ibang transaction na hindi tapos sa taong 2008 ang bumulaga sa aking pagpasok sa opisina.Parang gusto ko ng mag new year's resolution. Naaalala ko pa noon, gusto ko talaga makalat ang aking lamesa. Ewan ko nga bah, para sa akin, parang busy tingnan or napakaactive at hindi stagnant. Pero ngayon, parang gusto ko ng magising sa aking kahibangan.
Dahan-dahan, ay maaayos ko rin ito. Inspired yata ako sa taong ito..Welcome 2009. at may panibagong kabanata na naman ako sa aking blog.

Tuesday, December 9, 2008

Sana sa araw ng Pasko



Hindi ko talaga malilimutan ang selebrsyong ito sa aming kindergaten school. Gumanap akong Joseph (tatay ni Hesus) na walang ginawa kundi ang sumimangot. Sabi kasi ni teacher, “Stop smiling Francis!” Paano kasi walang magawa ang ibang cast ng dula: (mga shepherds) kundi ang tuyain ako at pagtawanan. Dahil mabait akong bata, sinubukan ko namang kontrolin ang aking pagtawa. Nanonood ang aking inay sa panahong iyon at siya ang kumuha ng retratong ito.
At isang magandang awitin ang aming inihandog:


Away in a manger,
No crib for His bed
The little Lord Jesus
Laid down His sweet head

The stars in the bright sky
Looked down where He lay
The little Lord Jesus
Asleep on the hay

The cattle are lowing
The poor Baby wakes
But little Lord Jesus
No crying He makes

I love Thee, Lord Jesus
Look down from the sky
And stay by my side,
'Til morning is nigh.

Be near me, Lord Jesus,
I ask Thee to stay
Close by me forever
And love me I pray

Bless all the dear children
In Thy tender care
And take us to heaven
To live with Thee there

Malapit na ang araw ng Pasko at nais nating lahat na maging maligaya. Sa ating pamilya ay mas masaya kung sama-sama sa Noche Buena at sa pagbibigayan ng mga munting regalo. Isang ekspresyon ng pagmamahal ang pasko. Hindi sa mga regalong natatanggap o sa mga masasarap na pagkain kundi sa kalinisan ng loob at pagpapatawad. Hindi maipaliwanag ang kasiyahan na tinutukoy ko. Ang mga sandaling makumusta ang iyong mga kaibigang matagal mo ng ‘di nakikita at ang mga pagtitipon-tipon ng barkada at ang makitang masayang-masaya ang iyong mga kapatid sa iyong ibinigay na regalo. At higit sa lahat ang pagtanggap sa iyong mga maling nagawa at ang pagsisimulang baguhin ito.
Sana maging ganun kasaya ang aking pasko.