Monday, December 28, 2009

Ngayong 2010

Inaatake na naman ako ng antok kaya't humakbang patungo sa mumunting lamesa at dahan-dahang tinatantiya ang timpla ng nakaugaliang lasa ng kape. Huling araw ito ng pagpasok sa opisina at animo'y naging tahimik na bodega ang silid na aking ginagalawan. Bagama't wala si boss, tahimik nga naman ang lungga ng mga dagang umaani sa kani-kanilang prutas at gulay sa "farm ville.". Ang iba nama'y dumadaing na sana hindi maiextend ang kanilang trabaho bukas, kaya't tinatapos nila ngayon ng pilitan. Mag aalas 4 na, at pinatugtog na ng aming mabagsik na kasamahan ang kanta ng "the journey". Malaking pasasalamat ko sa kanya sapagkat nakalimutan kong dalhin ang aking headset at tuloy di ko mapakinggan ang mga nakahilerang kanta ni Jamie Rivera at Gary V. (Lord heal our land). Napapalapit kasi ako sa Maykapal at minsan ay trip ko din ang 80s- oldies. Medyo nabuhayan ang loob ko sa boses ng "the journey." Parang nagjojoyyride. Mainit sa labas at damang-dama ko ito sapagkat sinasalubong nito ang sinumang pumapasok sa banyo. Habang nakatayo at nakatuon ang atensyon sa inuduro ay pilit inaagaw ang iyong pansin dala ng matinding liwanag at maaliwalas na panahon. Kaya nga, ito ang mabisang alternatibo ko sa pagrelax ng aking mata- ang tumingin sa malayong kapatagan at sa luntiang taglay nito.

Sa aking muling pag angat ng aking tasa ay napansin kong malamig na ang aking kapeng magkasing kulay sa sapa ng davao river. Inubos ko na ito, at dali-daling uminom ng tubig na malamig. Nag mistulang “slow motion” ang paggalaw ko na para bang….parang kailan lang. Hawak-hawak ang higanteng kutsarang natanggap sa Kris Kringgle (something big), ay nanalamin ako at napansin ang buhok kong magulo. Sadyang mabait nga naman ang katrabaho ko dito. Tanggap at wala silang pakialam kahit may tuyong toothpaste ka pa sa bibig mo. Kasabay ang paggunita sa aking mga nagawa sa taong 2009. Meron nga ba? Laganap dito sa opisina ang mga sagad na panunuya kaugnay sa iyong kontribusyon sa kumpanya. Diretsahan kang hinahampas ng mga katagang pilit pinaparamdam sa iyong isa kang inutil at mabuti pa'y magresign ka na lang. Pero, binabalutan ito ng tawanan upang nang sa ganun ay maibsan ang lakas ng tama nito sa kalooban. Idagdag mo na diyan ang mga pagkakataong matritripan ka dahil sa iyong suot na polo at kumikinang na leather shoes, sabay ang malakas na tanong: “May interview sa ibang kumpanya?” Ngunit kung titingnan nating mabuti, tayo nga lang ang makakapagsabi kung meron nga ba tayong nagawa o wala. Sa madaling salita, nasa sa atin ang desisyon, ebalwasyon at ang pagbabago para simulan ang napansing kakulangan.

Nakakabagot nga namang isipin na sa pagbalik mo sa January 4 (balik trabaho), ay parehang-pareha pa rin ang pagkakaayos ng iyong mga gamit sa lamesa. Ang mga scratch papers na nilalaman ang mga detalyeng: load – 150, light – 1000, avon – 500, dakki – 400, cup noodles – 45, at iba pa, ang laptop na parang may granules na ang keyboard, ang shelves na pinamamahayan na (yata) ng daga at ahas at mga tupperwares na nakapondo dahil sa tamad ng dalhin sa bahay at parang magbabagong taon na rin sila opisina., mga posters na binabalot na ng matinding alikabok. Mabuti na lang at naisipan kong linisin ang aking balwarte at bigyan ng importansya ang mga kagamitang ipinagkaloob sa akin.

Magiging madugo ang taong ito. Sa buwan ng Hulyo ay susuungin naming ang butas ng karayom sa pag-abot sa pagpapatunay na kami nga ay qualipikado sa International Standards. Ang aming grupo ang may malaking pananagutan at responsibilidad sa misyong ito. At medyo, hinahanda ko na ang aking sarili sa mga delubyong paparating. Isang malaking hakbang din ito para maging matatag at magaling din ako sa binigay sa aking trabaho.

Magkahalong takot at saya ang pagsalubong sa 2010. Nababanggit ko sa isipan ang aking mga plano kung paano ko patakbuhin ang aking sistema sa pag harap ng mga responsibilidad. Nakakatakot ding silipin ang mga dinulot ng mga mali sa nakaraan, kung paano ko ito malalabanan at maiiwasan sa kasalukuyan at hinaharap.


Pilit kong tinitibayan ang aking loob na sa mga pasaning mahaharap ko, di pa rin ako mawawalan ng pag-asa at tiwala sa sarili. Nakatuon din ang aking pangarap sa aking pag-aaral na magiging karagdagang panangga sa hamon ng kompetisyon. Sa pamilya kong sumusuporta sa tinatahak kong landas sa kumplikado kong trabaho, nawa’y mabalanse ko ang oras na ilalaan. Sa, mga nagmamahal at mga minamahal ko at importanteng tao, nawa’y maabot ko ang tagumpay at maibalik sa kanila ang kaligayahang naidulot.

Pipilitin at sisikapin kong gumawa ng sistemang tutulong sa aking paggalaw sa mundo na puno ng tukso at oportunidad at ipapagpatuloy ko ang pagiging isang ehemplo sa aking mga kapatid at mga kaibigan.

Kaya’t 2010, kung sino ka man, tigilan mo na ang pananakot sa akin.

Thursday, December 17, 2009

Love test result: "maharot"

Sinubukan kong sagutin ang isang "love test" at namangha sa resultang nakuha.

The Five Love Languages

My primary love language is probably
Physical Touch
with a secondary love language being
Words of Affirmation.

Complete set of results

Physical Touch: 12
Words of Affirmation: 7
Quality Time: 4
Receiving Gifts: 4
Acts of Service: 3


Information

Unhappiness in relationships, according to Dr. Gary Chapman, is often due to the fact that we speak different love languages. Sometimes we don't understand our partner's requirements, or even our own. We all have a "love tank" that needs to be filled in order for us to express love to others, but there are different means by which our tank can be filled, and there are different ways that we can express love to others.

Take the quiz

:)

Wednesday, November 25, 2009

Importante

1.monthsary:
(from urban dictionary)
An important day, very much like an anniversary, but it is celebrated in terms of months, as opposed to anniversaries which are celebrated in terms of years. The only difference is that there are only 11 monthsaries for a certain event, the 12th would already be an anniversary.
If a couple got together on April 18, their monthsary, rather, monthsaries, would be on May 18, June 18, July 18, ..., until March 18 of the following year. Then, The next 18th, which is April, would be logically, their first anniversary.



O Monthsary, kahit ipikit mo ang inyong mata ay, darating at lilipas din. Isang dependent variable na maaring hambingan ng magandang pakiramdam o malamig na emosyon at suma tutal, isang bagay na hindi mo na maaalis o mabubura pa sa isipan- Memorya.

Kaya nga, kahit matagal ng nagsasama, ay di maiiwasang nag-aaway tuwing monthsary. Ang iba nga eh, nagkakahiwalayan pa.


Kailangan nga bang magkita tuwing okasyong ito? kailangan nga bang magkita?


lilipas din ito....kailangan lang ng pahinga...


Hindi importante ang maging importante ako sa araw na ito..ang importante ay mapahalagahan ang mas importanteng bagay.

Tuesday, November 10, 2009

Tuldok lng

(excerpt from the Book of Genesis:)
At nayari ang langit at ang lupa, at ang lahat na natatanaw sa mga iyon. 2 At nang ikapitong araw ay nayari ng Dios ang kaniyang gawang ginawa; at NAGPAHINGA ng ikapitong araw sa madlang gawa niyang ginawa. 3 At binasbasan ng Dios ang ikapitong araw at kaniyang ipinangilin, sapagka't siyang ipinagpahinga ng Dios sa madlang gawang kaniyang nilikha at ginawa.

Napapagod nga ba ang Diyos? Nagpapahinga nga ba ang Panginoon?
Maaring natumbok ni Gary V? (“Natutulog ba ang Diyos?”)
Anong misteryo ang bumabalot sa katagang ito? O sadyang inuugnay lamang ang salitang ito sa mga katangiang taglay ng isang tao?

May emosyon ba siyang tinataglay? Sa mga kasamaan ng sanlibutan, nasasaktan ba Siya? Ikinatutuwa ba Niya ang iyong magandang nagawa? O nahahabag nga ba Siya sa iyong dinaranas na kahirapan?

Ang emosyon ba ng Maykapal ay katulad din sa ating tinataglay?- pagmamahal, galit, saya, inggit, etc.

Ang pagmamahal na binibigkas natin ay sya rin bang pagmamahal na iniaalay o nararamdaman ng Maykapal?

Tila isang “manhid” mang nilalang kung Siya’y isipin nitong limitadong isipan, ay katumbas din sa isang pirasong tinapay na biniyak at ibinahagi sa sanlibutan ang kanyang pagkadakila.
Sa pagkakahubad sa mundong makasalanan, binihisan tayo at pinrotektahan.
Isang pagkadakilang sumisimbolo sa isang walang muwang na tupang inialay ang kanyang buhay para tubusin tayong makasalanan.


Sa mga libu-libong katanungang dumadagundong sa sansinukob, ay mainam na sabihing tayong lahat ay tuldok lng.

Tuesday, August 18, 2009

Bisaya kasi

"amaw!!..alam mo, ang relasyon ay may kalakip na pagsubok, risks na either mag break or patatagin ka..pumasok ka dyan eh, dapat handa ka para sa mga pagsubok na yan...ayaw kahadlok..(wag kang magselos)..wag kang matakot.."
(translated already...from bisaya)

Mas tumatalab yata ang bisaya sa damdamin. Kaugnay ng tulang naisulat ko sa ibaba, ay mas ginugunita ko ngayon ang naantalang pagbabago sa puso ni Kiko. Nais at kailangan ang malaking bagay na ito sapagkat nasasayang ang pagkakataong maging isang tunay na lalaki. Sa karatig pwersa ng takot at pangamba ay may mga pagkakataong pilit kang binabangon sa putikan. Mapwersa man ang takot na nakasilid sa puso ay kinakabig ito ng mga simpleng salita na di mo akalaing iaangat ka.
Sinarhan ka na ng pinto dahil sa pababalik na kamalian. Malamig na hangin at pakikitungong nagsisilbing parusa sa kahibangang naidulot. Marahil ay pagod na.
Sa simpleng may akda ng mga katagang ito, malugod akong tinatanggap ito.

Tuesday, August 11, 2009

Dakiko tula

Ano ba Kiko? Parati ka na lang mainitin ang ulo.
Sanhi ba ito ng iyong matinding pag aalala,
Na bukas makalawa ay wala na siya?
Na sa takbo ng panahong iyong pinakaasam asam,
Ay tumiwalag siya at sampalin ka ng katotohanan?
Sa pagbabalat kayo’y inaantig ka ba ng iyong konsensya?
Sa damdaming nais maiparating at kontrolin,
Ninanais na siya ay abutin.
Sa hiwaga ng kanyang ngiti at talinong angkin,
Tila nabubuway sa pagkakataong siya ay mahalin.
Sadyang mapaglinlang na larawan ang natatanaw sa isipan.
Na sa dialogong di matanaw ang tamis ng kataga,
Ay parang araw na makulimlim at walang sigla.
Ano ang aking gagawin? Ano ang aking nagawa?
Simple bang sumabay sa nakasanayan? o intindihin ang di maintindihan.
Okupado man ang kanyang isipan,
balat sibuyas naman akong nangangatwiran.
Sa pagpili ko ng tamang alagad sa katotohonan,
Nitong puso’y nais kang handugan:
Isang mainit na pag-unawa at nasa tonong kanta.
Halina’t bigyan ng kulay ang lirikong alay ko sa iyo.
Mamahalin kita higit pa sa salitang mahal.
Paano ba Kiko?

Monday, June 29, 2009

Ponder


"...lahat ng bagay ay nadadaan sa usapan..."
- Salamat sa Apo Hiking Society.

Hindi tayo perpekto. Subalit, mabisang sandata and pagiging mahinahon sa sandaling binubuhusan ka ng mainit at nakakatunaw na mga salita. Patapusin munang magsalita ang kabilang panig at hintaying kumalma. Tama. Bingi nga ang taong galit. Gustuhin mo mang manalo sa argumento ay, matatalo't matatalo ka rin.

Hindi nakakalason ang lumunok ng pride. Minsan mas matimbang pa sa mga salitang binibitawan ang mga salitang...di binibitawan at tinatago sa sarili.

--pilosopo kiko