Madalas kong binabalik tanaw ang retratong ito. Ito ang araw/gabi ng huling pagtutuos sa aming dakilang proyekto- Feasibility study tungkol sa pagtatayo ng Flower shop. Mahusay daw kami sa "cramming" activities kaya't naabutan kami ng gabi para lang balansehin ang financial statements. Paano kasi, puro theoretical lahat ng figures. Sa kalaliman ng gabi, nagtatawagan ang iba't-ibang grupo at nagkakamustahan kung ano na ang development ng proyekto. Panay din ang kanchaw sa mga kulelat na grupo at meron ding hingian ng mga tips kung pano makalusot sa delubyo. Hindi maitanggal sa aming sarili ang kaba at alinlangan na baka hindi namin maipasa sa nakatakdang panahon, kaya lahat kami ay abalang-abala sa pagsalik-sik ng iba't-ibang sources na pwedeng makunan ng panibagong ideya. Helpful ideas ika nga!
Sa gabing iyon, ay naging primary consumer kami ng "jack and jill". Halos magkasakit na sa bato dahil sa dami ng maaalat na junk foods na nilamon para lng labanan ang antok. Hindi rin mawawala sa usapan ang ice cream at cake. Paano kasi, (mayaman si mama hehe) alagang-alaga kami ng pamilya ng aming isang kagrupo. Matapos makita ang aming tumatagingting na marka sa first draft ay...akalain mong ginanahan pang pakainin kami at di lng basta pagkain..masasarap na pagkain. Mula gabi hanggang umaga, sponsored ang aming mga pagkain. Isama mo na dyan ang pagligo at tulugan. Naging malaking balakid man sa amin ang mga numerong iyon, nagtagumpay na man kami sa aming pinaghirapan. Kinabukasan, alas 4 ng hapon, naging ganap na proyekto na ang aming pinaghirapan. Presentable na para sa defense.
Para sa kaggrupo kong si Maan, kahit wala ka sa picture, utang pa rin namin ang pag kuha nito at sa pagchoreo..hehehe...
P.S. nalaman ko na lang.na ginamit ng ibang lower years ang ating project as reference..wow ha..hehehe..kung alam lng nila...
2 comments:
Ayos ah! Congratulations!
Sana naman kasama si Maan, sa kanila ba kayo gumawa ng project nyo at pinakain ng masasarap na pagkain?
Kaya anumang darating na mga pagsubok sa buhay, parang project 'yan- Kayang-kaya basta sama-sama. U
musata na? kahit hindi co talaga naiintindihan kung tungkol saan ung pinaghirapan nyo. . congrats parin kasi pinaghirapan n'yo talaga un at nagtagumpay kayo. . dahil din siguro un sa hindi pagpapabaya sa inyo ng ina ng kasama nyo. . hindi nya kayo hinayaang magutom at mamuti ang mga mata kaya ayan! nagawa nyo ng maganda ang proyektong yun!:D
Post a Comment