Monday, June 29, 2009

Ponder


"...lahat ng bagay ay nadadaan sa usapan..."
- Salamat sa Apo Hiking Society.

Hindi tayo perpekto. Subalit, mabisang sandata and pagiging mahinahon sa sandaling binubuhusan ka ng mainit at nakakatunaw na mga salita. Patapusin munang magsalita ang kabilang panig at hintaying kumalma. Tama. Bingi nga ang taong galit. Gustuhin mo mang manalo sa argumento ay, matatalo't matatalo ka rin.

Hindi nakakalason ang lumunok ng pride. Minsan mas matimbang pa sa mga salitang binibitawan ang mga salitang...di binibitawan at tinatago sa sarili.

--pilosopo kiko

Tuesday, June 23, 2009

Hahai

Mahirap nga yatang makipagtalo sa taong ayaw namang sumagot. Hindi umiimik. Kung tatanungin mo kung anong problema?, ay sasagot ng "wala". Isang delubyo ang pagkakataong parang nagkukunwaring pipi at bingi dahil sa iyong nagawang kasalanang pilit mong binabalik tanaw. Expect the worst ika nga. Pero hindi ka naman karapat dapat tumanggap ng matamis at magandang pakikitungo kung sa kanyang pagiging isang bagyo, ay di mo siya kayang kontrolin at intindihin.
Halina't busisihin nating mabuti ang mga salitang kadalsa'y di natin maintindihan:

FINE
- Ito ang ginagamit nila para tapusin ang argumentong alam nilang sila ang tama.

NOTHING / WALA
- Ang ibig sabihin nito ay "meron" at kailangan mong humanda sapagkat ang mga argumentong nagsisimula sa "nothing" kadalasang nahahantong sa "FINE."

GO AHEAD / SIGE
- Ito ay isang hamon, hindi permiso. Huwag kang gago! Huwag mong gawin.


LOUD SIGH / "Whew"..(Hahai)
- Hindi ito isang salita, pero ito'y isang hindi verbal na mensaheng kadalasang di naiintindihan. Ang isang malakas na "Hahai" ay nagpapahiwatig na ikaw ay isang tanga, idiot, moron atbp, at bakit pa siya nag-aaksaya ng oras para lamang makipagtalo sayo sa "wala."


THAT'S OKAY / OK Lang
- Mapanganib tong mensaheng ito para sa mga kalalakihan. "Ok lng" ay nangangahulugang gusto niyang mag-isip ng maigi bago siya magdedesisyon kung paano ka niya pagbabayarin sa iyong nagawang kasalanan.


THANKS
- Babala: Nagpapasalamat lang. Huwag mo ng itanong o di kaya'y maflattered. Sabihin mo lang "your welcome."

Thursday, June 18, 2009

Si Boss

Tahimik kong nilakbay ang konkretong daanan ng ubinersidad. Nagbabakasakali na sa aking malalim na pag-iisip ay maliwanagan naman ako kung saan talaga ako tutungo. Nagkunwaring tila isang henyong gutom, at dumukot sa bulsa. Nag-isip ng kung anong masarap na i-meryenda. Mag aalas kwatro na pala. Tumagingting ang barya na sa aking pag kapa ay batid kong, pang PUJ na lng pala pera ko. Wala akong karapatang kumain sa mga oras na ito, sabi ko sa sarili ko. Naubos ang pera sa proyektong pabalik-balik sa pagprint dahil sa mga komento ng aming mahabaging propesor. Sa halip na sa fudcourt ang punta, ay dumiretso sa drinking fountain at uminom ng tila isang litrong malamig na tubig. Nais kong libangin ang aking sariling puno ng pangamba at alinlangan sa buhay. Malungkot at walang makausap. Medyo gutom at nagdarasal na sana aprub si sir sa aming pinaghirapang proyekto. Gustong lumamig ang ulo at mapag-isa. Ayaw ng kausap, ingay, at kasamang kinukontrol ka kung saan kayo pupunta. Kaya't tinungo ang silid aklatan. Tahimik, nakakarelax at syempre, malamig. Bawal magdal-dalan, bawal matulog, bawal kumain dito. Parang dito nga ang sadya ko! Umakyat sa ikatlong palapag, sa Filipiniana section. Pumili ng mga babasahing angkop sa kasalukuyang kondisyon. "THANK GOD HE'S BOSS.." ni Bo Sanchez, ang kinuha ko. Tiningnan ko sa likuran ng cover ang bilang ng mga humiram nito. Marami na rin ang bumasa ng librong ito at malamang...naliwanagan. Dahan-dahan kong binuklat kasi may kalumaan na. Nagmistulang prayer session ang aking pagbabasa. Ang mga nakalathalang kaganapan sa kanyang buhay ay tila isang pagbabalik tanaw kung paano niya iminungkahi sa kanyang sarili ang tunay na kaligayahan. Masayahing tao at mahusay magpatawa ang sumulat ng aklat na ito. Sa mga makukulay niyang karanasan, nagbigay ngiti ito sa kabataan at sa mga malubhang nakatali sa kahinaan. Binuksan nito ang aking isipan sa realidad na ang buhay ay bukod sa weather weather lang, ay maari ring maihahalintulad sa isang paru-parong malayang naglalaro sa luntiang kapatagan. Ang pagiging isang ehemplo at makatao ang siyang tulay sa kanyang paglaganap sa banal na salita, na sa buhay ng bawat nilalang ay nakatatak ang pagmamahal ng Tagapaglikha. Kulang nga ang pera ko sa panahong iyon, di matatawaran ng pera ang mga aral na aking natanggap. Sa mga balakid at unos na dinaranas, ay naoorganisa ang puso at isipan na yakapin ang kasaganaang bihirang napapansin. Ilang beses man tayong nabiktima ng mapanlinlang na mundo ay nasa puso lang natin ang boses na tutugon sa atin kung saan tayo dapat pupunta. Tama nga...sadyang , pinapadanas o dumadanas tayo ng kalungkutan upang hagkan at dinggin ang boses sa ating pusong nagsasabing: "tumungo ka muna sa iyong banal na kalooban at pakinggan ang iyong sarili.."


P.S. nalipasan ako ng gutom..at di ko napansing natapos ko palang basahin ang buong libro.

Monday, June 1, 2009

Arinola Conquest

Maimpluwensya ang "ultraman" sa amin ng aking nakababatang kapatid na si Mikoy. Ang mga kagila-gilalas na mga stunts at fighitng scenes ay ibang klase. Sa aming kabataan noon ay manghang-mangha kami sa kanyang pagpuksa sa mga halimaw at iba pang nakakatakot na nilalang. Hanggang matapos ang palabas ay ipinapatuloy namin ang mga kaganapan sa aming paglalaro. Gamit ang hanger (na kadalasan ay pamalo ni mama) bilang isang baril, na para bang nasa giyera kami. Ang paboritong "battle field" namin ay ang kama ni lola. Dahil sa kutson nito ay ganado kaming tumalon at magtumbling. Paulit-ulit kong ginawa ang "tiger jump" at "front roll". Si Mikoy naman ay nangangarap mag "back tumbling."
"Ultraman beam!!", ang sigaw ko sabay tumbling nang biglang may nasagi ako. Paglanding ko sa sahig ay naramdaman ko ang basang sahig. Sumingaw ang amoy na di ko maipaliwanag. Patay! (napasigaw din si Mikoy). Patay si Ultraman, nasagi ko ang arinola ni lola! Ang mala fermented na laman ay sumiklab sa kahoy na sahig. Mabuti na lang at walang nakahalong time bomb or land mines. Dali-dali naming pinunasan ang ebidensya baka kalaboso ang abutin namin at hindi na namin maipagtanggol ang sanlibutan.
Sa aming kalikutan ay general cleaning ang kinalabasan. Inapplyan na lang din namin ng floor wax ang sahig para na man gumaan-gaan ang aming kasalanan. Matapos ang insidenteng iyon ay di na naulit ang paglalaro namin sa battle field na iyon.

p.s. no comment na man si lola sa aming pagpapakintab sa kanyang sahig.