Tuesday, August 18, 2009

Bisaya kasi

"amaw!!..alam mo, ang relasyon ay may kalakip na pagsubok, risks na either mag break or patatagin ka..pumasok ka dyan eh, dapat handa ka para sa mga pagsubok na yan...ayaw kahadlok..(wag kang magselos)..wag kang matakot.."
(translated already...from bisaya)

Mas tumatalab yata ang bisaya sa damdamin. Kaugnay ng tulang naisulat ko sa ibaba, ay mas ginugunita ko ngayon ang naantalang pagbabago sa puso ni Kiko. Nais at kailangan ang malaking bagay na ito sapagkat nasasayang ang pagkakataong maging isang tunay na lalaki. Sa karatig pwersa ng takot at pangamba ay may mga pagkakataong pilit kang binabangon sa putikan. Mapwersa man ang takot na nakasilid sa puso ay kinakabig ito ng mga simpleng salita na di mo akalaing iaangat ka.
Sinarhan ka na ng pinto dahil sa pababalik na kamalian. Malamig na hangin at pakikitungong nagsisilbing parusa sa kahibangang naidulot. Marahil ay pagod na.
Sa simpleng may akda ng mga katagang ito, malugod akong tinatanggap ito.

Tuesday, August 11, 2009

Dakiko tula

Ano ba Kiko? Parati ka na lang mainitin ang ulo.
Sanhi ba ito ng iyong matinding pag aalala,
Na bukas makalawa ay wala na siya?
Na sa takbo ng panahong iyong pinakaasam asam,
Ay tumiwalag siya at sampalin ka ng katotohanan?
Sa pagbabalat kayo’y inaantig ka ba ng iyong konsensya?
Sa damdaming nais maiparating at kontrolin,
Ninanais na siya ay abutin.
Sa hiwaga ng kanyang ngiti at talinong angkin,
Tila nabubuway sa pagkakataong siya ay mahalin.
Sadyang mapaglinlang na larawan ang natatanaw sa isipan.
Na sa dialogong di matanaw ang tamis ng kataga,
Ay parang araw na makulimlim at walang sigla.
Ano ang aking gagawin? Ano ang aking nagawa?
Simple bang sumabay sa nakasanayan? o intindihin ang di maintindihan.
Okupado man ang kanyang isipan,
balat sibuyas naman akong nangangatwiran.
Sa pagpili ko ng tamang alagad sa katotohonan,
Nitong puso’y nais kang handugan:
Isang mainit na pag-unawa at nasa tonong kanta.
Halina’t bigyan ng kulay ang lirikong alay ko sa iyo.
Mamahalin kita higit pa sa salitang mahal.
Paano ba Kiko?