Wednesday, October 29, 2008

pinoy talaga..

Inatake ako ng lagnat at wala akong ganang mag-isip. Walang ganang magsulat. Kaya't ipapakita ko na lang itong aking natanggap mula sa isang kaibigan.
Ano nga ba ang pinoy action movies?

Laging umiikot ang istorya sa paghihiganti...
Ni-rape ang kapatid ng bida o pinatay ang kamag-anak
nya (nanay, tatay,ate, kuya, kinakapatid, kabiyak, anak,
pinsan, tiyo,tiya, lolo, lola, ninong,ninang, apo,
apo sa tuhod, apo sa talampakan, ninuno)

Isa sa mga eksena e babastusin sya o syota nya ng
mga nag-iinumang istambay.
Magkakagulo sa isang okasyon (kaarawan,kasal, binyag, burol)
Hindi nakakaramdam ng sakit ang bida sa bakbakan,
pero sisigaw ito at aaray pag ginagamot na ang mga sugat nya
ng isang babae.

Smoker at mabisyo lagi ang kontrabida.
Lagi itong may mga uto-utong tauhan o "mga bata". At
laging naka-jacket kahit tanghaling tapat.

Ang kuta ng mga kalaban e sa warehouse o malaking
bahay.
Lagi ding may eksena sa isang beer house.
May seksing leading lady at may love scene na
pwedeng ikwento sa Abante.

Marunong sa bakbakan ang babae, at kung isang lalake
lang naman e kayang-kaya nitong patumbahin.
Kung ma-co-corner ang bida, hindi ito papatayin,
ikukulong lang.

Mag-uusap ang bida at ang mortal na kalaban nito
habang nag-tutukan ng baril...mahabang pag-uusap, tila baga mag-
syotang nasa telepono.

May malalakas na pagpapasabog kahit na hindi naman
kailangan.
Walang malalakas na pagpapasabog kahit na kailangan.
Kahit ano sumasabog pag binaril. Pati puno, sumasabog.

Mura lang ang baril at pwede itong itapon kung wala
nang bala. Makakapulot ang bida ng baril na may bala tuwing
kinakailangan.

Marunong at asintado sa baril ang leading lady kahit
na hindi pa siya nakakahawak nito sa buong buhay nya.
Kaya ng bida ang dalawampung tao sa bakbakan dahil
hindi naman sila sumusugod ng sabay-sabay, laging isa-isa,
parang sayaw.

Hindi tinatamaan ng bala ang bida kahit na tatlompung tao
ang bumabaril sa kanya, pero lahat sila tinatamaan nya.
Laging sa lupa tumatama ang bala ng kaaway. Tamaan
man sya ng bala ay laging daplis lang ... hindi pwedeng sa ulo
o sa puso.

Siyam (9) ang buhay ng bida. Doble pa nito ang buhay
ng leading lady. Kung mamamatay man ang isa sa kanila e
makakapagsalita pa ito ng isang page ng script bago
malagutan ng hininga.


Huli darating ang maraming pulis ... at wala
silang pakialam sa bida, kahit na involved ito sa riot!
(Pack up na!)

Tuesday, October 21, 2008

watever lolo...

Bad trip si lola nang malaman nya ang resulta sa "last 2" draw. Napadaan si Aling Vivian bit-bit ang baldeng lalagyan ng kanin baboy, ng tanungin siya ni lola sa resulta ng draw kagabi. Napasigaw si lola, napa....napa"yakkksss!" Talaga naman oh, astig ang expresyon ni lola.(di na lang ginawang "eeeeww"). Pusoy c lola. Siguro malaki ang taya niya, hmmmm. Anyway, sa kabila ng kanyang pagkatalo, ay nagawa pa niyang ipaliwang na iyon raw ay hobby lang niya. Libangan.
Ipinagbawal na ang libangang ito, kagaya ng jueteng, pero talamak pa rin ito sa kanayunan. Sabi nga nila, hangga't may lotto, 'di mawawala ang "last 2", kasi doon kinukuha sa mga bolang napili ang resulta- ang last 2 balls.
Linggo iyon at tamang-tama, may niluluto siyang pork adobo. Talagang ginutom ako sa sweet aroma. Habang nagluluto si lola ay abalang-abala din siya sa pagsasalita. Sa tingin ko, sa tuwing nagluluto siya ay iniisip niyang nasa harap siya ng kamera at may mga nanonood. Naging malaman ang aming diskusyon from "hues de kutsilyo" hanggang teletubbies..pati friendster ay di nakatakas sa aming topic. Naging makulay ang aking pananghalian dahil sa ulam na adobo. Higit sa lahat, masaya akong natutunan ang mga bagay na napagdaanan ni lola.

Ako kaya, pag dumating na ang panahong matanda na ako, wrangler na...maikukwento ko pa ba ang pagfri-friendster at pagblo-blog sa aking magiging apo? Ano kaya ang dating nun sa kanila?
Apo: "Yuck,lolo, watever!, ur such a loser!"
Lolo: "Aba'y salbaheng bata ka! humanda ka sa blog ko..tse!

Tuesday, October 14, 2008

Sigbin

Alas 3 na ng hapon at inaatake ako ng antok, kaya’t naisipan ko munang libangin ang aking sarili. Dito sa opisina, saging at kamote ang bubulaga sa iyo sa ganitong oras. Minsan naman ay binignit at kung mdyo kapos, pinagtitiyagaan ang 3-in-1 na kape at skyflakes. Nagsitaasan na talaga ang presyo ng mga bilihin. Akalain mong umakyat sa limang piso ang isang tuhog ng camote at saging! Bale, kung ililibre mo ang iyong buong department, ay gagasta ka ng mga 200 pesos para pang merienda lang, at isali mo pa dyan ang softdrinks. Anyway, heto tuloy ako ngayon, kumakain na lang ng donuts. Mas masarap kasi at mas mahal syempre. Ang labo ano?hehe. Nagtext ang kaibigan ko nung hayskul at nangungumusta (palibhasa petsa kinse na bukas, ehem..). Matagal-tagal na rin kaming ‘di nagkikita. Medyo nagbalik tanaw ako sa mga kalokohan namin noon, napatawa ako. Di ko lubos akalaing sariwa pa rin ang mga alaa-alang iyon. Kay sarap balikan. Mahusay ako sa klase. Nag-aaral ako at nakakalusot sa mga oral recitations.
Pero, ibang klase tong kakilala ko kasi napahanga niya lahat kami, matapos niyang sagutin ang katanungang : “Ano ang salitang ugat?” Di kasi nakikinig sa mga oras na iyon at panay ang pag-dudrawing ng mukha ni Eugene at Toguro (with sound effects pa..rei gun!!!). Kaya yun, wla siyang nagawa kundi tumayo at sumagot: “uuhh, maam, Ang salitang ugat..ay binubuo ng mga varicose.” Talagang napahalakhak kami nun. Kaya pagtung-tong ko ng kolehiyo, ay ‘di ko talaga pinalagpas ang Filipino. Pati ang mga pagsasadula ay kinarir ko na. Pero, di nagtatapos sa Filipino ang katatawanan. Pati sa Religion classes namin ay nagpasiklab siya ng lagim. Napaka energetic ng guro namin noon sa Religion. Halos di niya na nga napapansin ang uniporme nyang parang ginawang pambura sa black board. Passionate talaga. Mahirap ang tanong niya kung ‘di ka nagbasa: “Jesus Christ died on the cross to save us from our…” walang sumagot. Kayat binigyan nya kami ng clue:.” From our….original….” , wla pa rin. “Starts with letter S”. At may nagpasobog ng bomba: “original sigbin!”
Alam ko korni toh kung babasahin pero yun talaga ang naging dala ng kaibigan ko ngayon. Pinaalala niya ang mga kalokohan.

Monday, October 13, 2008

Paalam ISO.

Hindi ko maipaliwanag ng diretso kung bakit gusto kong magsulat sa pahinang ito sa wikang Filipino. Sa mga nabasa kong artikulo nina: Jack (kahit mdyo for adults only hehe), bam the great (magaling sa tula), myk2ts (isang kilong bigas), at iba pa, ay umangat ang aking elementong mental at emosyonal na tahakin ang landas ng isang "tagalog-speaking" na blogger. Truly Inspiring. Salamat sa inyo.

Ngayon ay "busy daw" ako at medyo gutom. At para samantalahin ko ang pagkakataong ito, binubusog ko ang aking imahinasyon sa mga bagay na dapat kong ipalabas. Marami akong gustong gawin. Marami din akong gustong puntahan. Pero mas nais kong "ito'y" masimulan. Ilang araw na lang din, ay aalis na aming batikang kasama sa trabaho. Isang lider. Magaling. Sa kabila ng mga pagdududa sa sarili at sa mga limitadong kakayahan ay nagawa pa rin naming kumbinsihin ang sarili na ipagatuloy ang nasimulang proyekto. Bakit ko ba sinasabi ito? Di bale, may kabuluhan na man yun eh. Ganyan nga siguro ang mundo sa isang workplace. Kailangan mong makisalamuha at magsikap para matuto ng mga bagay na di natututunan sa eskwelahan. Kung gaano daw kahirap maghanap ng trabaho, eh, akalain mong, mahirap din palang mag bye-bye sa sa iyong mga kasamahan, sa kumpanya lalo na sa boss mo. Mahirap at awkward magpasa ng resignation letter. Mahirap. Nakakahiya. Bakit ganoon? ('di ako makarelate eh..hehe). Sa mga kasamahan kong (blogger din..haha) umalis na, aalis pa, nagpaplano, paalam at maraming salamat. Kay watadid/vinkoi na may pasimuno sa blog sa opisina at nagturo sa akin ng "the quick brown fox jumps over the lazy dog..." (kayat namemorya ko na ang keyboard), at kay sir PJ na talagang magaling ('di lang sa kompyuter, hehe), maraming salamat sa inspirasyon at leksyon.