Tuesday, October 14, 2008

Sigbin

Alas 3 na ng hapon at inaatake ako ng antok, kaya’t naisipan ko munang libangin ang aking sarili. Dito sa opisina, saging at kamote ang bubulaga sa iyo sa ganitong oras. Minsan naman ay binignit at kung mdyo kapos, pinagtitiyagaan ang 3-in-1 na kape at skyflakes. Nagsitaasan na talaga ang presyo ng mga bilihin. Akalain mong umakyat sa limang piso ang isang tuhog ng camote at saging! Bale, kung ililibre mo ang iyong buong department, ay gagasta ka ng mga 200 pesos para pang merienda lang, at isali mo pa dyan ang softdrinks. Anyway, heto tuloy ako ngayon, kumakain na lang ng donuts. Mas masarap kasi at mas mahal syempre. Ang labo ano?hehe. Nagtext ang kaibigan ko nung hayskul at nangungumusta (palibhasa petsa kinse na bukas, ehem..). Matagal-tagal na rin kaming ‘di nagkikita. Medyo nagbalik tanaw ako sa mga kalokohan namin noon, napatawa ako. Di ko lubos akalaing sariwa pa rin ang mga alaa-alang iyon. Kay sarap balikan. Mahusay ako sa klase. Nag-aaral ako at nakakalusot sa mga oral recitations.
Pero, ibang klase tong kakilala ko kasi napahanga niya lahat kami, matapos niyang sagutin ang katanungang : “Ano ang salitang ugat?” Di kasi nakikinig sa mga oras na iyon at panay ang pag-dudrawing ng mukha ni Eugene at Toguro (with sound effects pa..rei gun!!!). Kaya yun, wla siyang nagawa kundi tumayo at sumagot: “uuhh, maam, Ang salitang ugat..ay binubuo ng mga varicose.” Talagang napahalakhak kami nun. Kaya pagtung-tong ko ng kolehiyo, ay ‘di ko talaga pinalagpas ang Filipino. Pati ang mga pagsasadula ay kinarir ko na. Pero, di nagtatapos sa Filipino ang katatawanan. Pati sa Religion classes namin ay nagpasiklab siya ng lagim. Napaka energetic ng guro namin noon sa Religion. Halos di niya na nga napapansin ang uniporme nyang parang ginawang pambura sa black board. Passionate talaga. Mahirap ang tanong niya kung ‘di ka nagbasa: “Jesus Christ died on the cross to save us from our…” walang sumagot. Kayat binigyan nya kami ng clue:.” From our….original….” , wla pa rin. “Starts with letter S”. At may nagpasobog ng bomba: “original sigbin!”
Alam ko korni toh kung babasahin pero yun talaga ang naging dala ng kaibigan ko ngayon. Pinaalala niya ang mga kalokohan.

1 comment:

Myk2ts said...

ayon sa kapitbahay kong si aling merda, ang salitang sigbin daw ay aswang... totoo ba yun? anyway, isang nakakabagot na umaga saiyo