Thursday, February 5, 2009

valentine's puso

Games or eynterneyt? Hanep talaga ang tagabantay ng isang internet cafe malapit sa amin. Pinapatawa ako sa tuwing maglolog-in na ako. "Kyomputer number 18 sir" (grabeh na toh). At heto, nagbalik na naman sa aking pagbloblog. Wala na yata akong oras para dito, pero, dahil masaya ako ngayon, naisip ko na kailangan ko itong ipagputuloy para sa kalayaan ng aking tila isang batang paslit na imahinasyon. Naging marahas ang oras sa akin kamakailan lang. Halo-halong trabaho at problema ang aking sinuong. Nawala sa prayoridad ko ang Fantaserye ni Kiko. Malapit na ang Marso. Malapit na ang graduation. Di ko talaga maiwasang mag-isip kung saan malalagay ang lahat ng mga graduates na ito. (Sana naman ay malagay sa maayos na trabaho yong special someone ko..)
Aba! mas malapit na pala ang Valentine's day! hmmmmm...Parang gusto kong mag-isip ng bagay na pwedeng ibigay at gusto ko..yung simple, pero, panghabambuhay ang dating..yung tipong di malilimutan..(yung hindi nabibili sa mall)..aha! ayun, nasapul ko na..sa ngayon ay..seykreet muna...

1 comment:

RJ said...

Welcome back! Valentine's Day lang pala ang makapagpapatuloy ng blogoserye mo rito.

Valentine's gift mo? Gusto mo hulaan ko?