Pagkatapos kong maghapunan ay unti-unti kong naramdaman ang kirot sa aking ngipin. Kinaya ko naman ang sakit na iyon kaninang nasa opisina pa ako kaya nga't ipinagsawalang bahala ko na lang. Nagkukuwentuhan kami ng aking nakababatang kapatid ng biglang umaatake na naman ang malakulam na sakit na tila ini-iniksyon sa aking gilagid. Napahinto ako sa aking pagkukuwento at hinimas-himas ang kanan kong panga. Subalit, mas lalong lumalakas ang pwersang taglay ng sakit. Maluha-luha kong binigkas ang gardan at ponstan. Kailangan ko ng pain killer!
Humiga ako sa kama at doon ipinagpatuloy ang kalbaryo. Pilit ko mang ipikit ang aking mga mata ay pilit na nagpapapansin ang kirot. Subalit, imbes na alalayan ako ng aking kapatid ay pinagtawanan pa ako at ginaya ang aking award-winning na pagganap bilang isang biktima ng isang mapangahas na kapalaran.
Makaraan ang ilang minuto ay tumalab na ang pain killer na ininom ko. Mahimbing akong natulog at umaasang hindi na bumalik ang isotorbong kirot.
Sa susunod na linggo, ipapabunot ko na ang magreretire na ngiping ito.
Salamat sa mga ala-ala o ngipin ko.
Unboxing BOSE S1 Pro+ and Bose Mic/Line Transmitter
5 months ago