Ang "pinasugbo" ay isang pagkaing mula sa saging na saba. Malutong, payat na pagkakahiwa na nilgyan ng brown sugar syrup at sesame seeds. Gets? Kadalasan ito ang pasalubong ng mga nagbibiyahe galing Negros. Matamis at nakakachallenge kainin. Akalain mong ang isang piraso nito ay nakalagay lamang sa isang mumunting papel na nagsisilbing hawakan at minsan, nakakain mo pa kasali ang papel lalo na pag malapit ng maubos. Super sticky kasi at syempre, sayang ang caramel at saging na pwede pang lasapin!
Pero ibang klase ang ginawa ni Kiko sa pinasugbo. Imbes na kainin, ay ginawa itong collage. Oo! tila isang di pangkaraniwang ideya. Retreat nun, at inatasan kaming gumawa ng collage or kahit na anong sumisimbolo sa iyong commitment kay Lord, gamit ang mga bagay na makikita sa paligid. Kung sa bagay, tira at nilalanggam na 'yon, kaya yon ang naisip kong gawing materyales. Kanya-kanyang artwork. Kanya-kanyang simbolo. May ibang pumitas ng bulaklak, dahon, tuyong dahon para idikit sa papel. Meron ding ibang gumamit ng basura.
Ang pinasugbong nakalagay sa mumunting papel ngayo'y nakadisplay sa isang buong bond paper.
Foot print na sumisimbolo sa aking paglalakbay kasama ang Panginoon. Sa kagubatang puno ng pangamba, kasama ko Siya. Ang ilaw na kanyang taglay ay ang aking buhay.
No comments:
Post a Comment