Wednesday, November 25, 2009

Importante

1.monthsary:
(from urban dictionary)
An important day, very much like an anniversary, but it is celebrated in terms of months, as opposed to anniversaries which are celebrated in terms of years. The only difference is that there are only 11 monthsaries for a certain event, the 12th would already be an anniversary.
If a couple got together on April 18, their monthsary, rather, monthsaries, would be on May 18, June 18, July 18, ..., until March 18 of the following year. Then, The next 18th, which is April, would be logically, their first anniversary.



O Monthsary, kahit ipikit mo ang inyong mata ay, darating at lilipas din. Isang dependent variable na maaring hambingan ng magandang pakiramdam o malamig na emosyon at suma tutal, isang bagay na hindi mo na maaalis o mabubura pa sa isipan- Memorya.

Kaya nga, kahit matagal ng nagsasama, ay di maiiwasang nag-aaway tuwing monthsary. Ang iba nga eh, nagkakahiwalayan pa.


Kailangan nga bang magkita tuwing okasyong ito? kailangan nga bang magkita?


lilipas din ito....kailangan lang ng pahinga...


Hindi importante ang maging importante ako sa araw na ito..ang importante ay mapahalagahan ang mas importanteng bagay.

Tuesday, November 10, 2009

Tuldok lng

(excerpt from the Book of Genesis:)
At nayari ang langit at ang lupa, at ang lahat na natatanaw sa mga iyon. 2 At nang ikapitong araw ay nayari ng Dios ang kaniyang gawang ginawa; at NAGPAHINGA ng ikapitong araw sa madlang gawa niyang ginawa. 3 At binasbasan ng Dios ang ikapitong araw at kaniyang ipinangilin, sapagka't siyang ipinagpahinga ng Dios sa madlang gawang kaniyang nilikha at ginawa.

Napapagod nga ba ang Diyos? Nagpapahinga nga ba ang Panginoon?
Maaring natumbok ni Gary V? (“Natutulog ba ang Diyos?”)
Anong misteryo ang bumabalot sa katagang ito? O sadyang inuugnay lamang ang salitang ito sa mga katangiang taglay ng isang tao?

May emosyon ba siyang tinataglay? Sa mga kasamaan ng sanlibutan, nasasaktan ba Siya? Ikinatutuwa ba Niya ang iyong magandang nagawa? O nahahabag nga ba Siya sa iyong dinaranas na kahirapan?

Ang emosyon ba ng Maykapal ay katulad din sa ating tinataglay?- pagmamahal, galit, saya, inggit, etc.

Ang pagmamahal na binibigkas natin ay sya rin bang pagmamahal na iniaalay o nararamdaman ng Maykapal?

Tila isang “manhid” mang nilalang kung Siya’y isipin nitong limitadong isipan, ay katumbas din sa isang pirasong tinapay na biniyak at ibinahagi sa sanlibutan ang kanyang pagkadakila.
Sa pagkakahubad sa mundong makasalanan, binihisan tayo at pinrotektahan.
Isang pagkadakilang sumisimbolo sa isang walang muwang na tupang inialay ang kanyang buhay para tubusin tayong makasalanan.


Sa mga libu-libong katanungang dumadagundong sa sansinukob, ay mainam na sabihing tayong lahat ay tuldok lng.

Tuesday, August 18, 2009

Bisaya kasi

"amaw!!..alam mo, ang relasyon ay may kalakip na pagsubok, risks na either mag break or patatagin ka..pumasok ka dyan eh, dapat handa ka para sa mga pagsubok na yan...ayaw kahadlok..(wag kang magselos)..wag kang matakot.."
(translated already...from bisaya)

Mas tumatalab yata ang bisaya sa damdamin. Kaugnay ng tulang naisulat ko sa ibaba, ay mas ginugunita ko ngayon ang naantalang pagbabago sa puso ni Kiko. Nais at kailangan ang malaking bagay na ito sapagkat nasasayang ang pagkakataong maging isang tunay na lalaki. Sa karatig pwersa ng takot at pangamba ay may mga pagkakataong pilit kang binabangon sa putikan. Mapwersa man ang takot na nakasilid sa puso ay kinakabig ito ng mga simpleng salita na di mo akalaing iaangat ka.
Sinarhan ka na ng pinto dahil sa pababalik na kamalian. Malamig na hangin at pakikitungong nagsisilbing parusa sa kahibangang naidulot. Marahil ay pagod na.
Sa simpleng may akda ng mga katagang ito, malugod akong tinatanggap ito.

Tuesday, August 11, 2009

Dakiko tula

Ano ba Kiko? Parati ka na lang mainitin ang ulo.
Sanhi ba ito ng iyong matinding pag aalala,
Na bukas makalawa ay wala na siya?
Na sa takbo ng panahong iyong pinakaasam asam,
Ay tumiwalag siya at sampalin ka ng katotohanan?
Sa pagbabalat kayo’y inaantig ka ba ng iyong konsensya?
Sa damdaming nais maiparating at kontrolin,
Ninanais na siya ay abutin.
Sa hiwaga ng kanyang ngiti at talinong angkin,
Tila nabubuway sa pagkakataong siya ay mahalin.
Sadyang mapaglinlang na larawan ang natatanaw sa isipan.
Na sa dialogong di matanaw ang tamis ng kataga,
Ay parang araw na makulimlim at walang sigla.
Ano ang aking gagawin? Ano ang aking nagawa?
Simple bang sumabay sa nakasanayan? o intindihin ang di maintindihan.
Okupado man ang kanyang isipan,
balat sibuyas naman akong nangangatwiran.
Sa pagpili ko ng tamang alagad sa katotohonan,
Nitong puso’y nais kang handugan:
Isang mainit na pag-unawa at nasa tonong kanta.
Halina’t bigyan ng kulay ang lirikong alay ko sa iyo.
Mamahalin kita higit pa sa salitang mahal.
Paano ba Kiko?

Monday, June 29, 2009

Ponder


"...lahat ng bagay ay nadadaan sa usapan..."
- Salamat sa Apo Hiking Society.

Hindi tayo perpekto. Subalit, mabisang sandata and pagiging mahinahon sa sandaling binubuhusan ka ng mainit at nakakatunaw na mga salita. Patapusin munang magsalita ang kabilang panig at hintaying kumalma. Tama. Bingi nga ang taong galit. Gustuhin mo mang manalo sa argumento ay, matatalo't matatalo ka rin.

Hindi nakakalason ang lumunok ng pride. Minsan mas matimbang pa sa mga salitang binibitawan ang mga salitang...di binibitawan at tinatago sa sarili.

--pilosopo kiko

Tuesday, June 23, 2009

Hahai

Mahirap nga yatang makipagtalo sa taong ayaw namang sumagot. Hindi umiimik. Kung tatanungin mo kung anong problema?, ay sasagot ng "wala". Isang delubyo ang pagkakataong parang nagkukunwaring pipi at bingi dahil sa iyong nagawang kasalanang pilit mong binabalik tanaw. Expect the worst ika nga. Pero hindi ka naman karapat dapat tumanggap ng matamis at magandang pakikitungo kung sa kanyang pagiging isang bagyo, ay di mo siya kayang kontrolin at intindihin.
Halina't busisihin nating mabuti ang mga salitang kadalsa'y di natin maintindihan:

FINE
- Ito ang ginagamit nila para tapusin ang argumentong alam nilang sila ang tama.

NOTHING / WALA
- Ang ibig sabihin nito ay "meron" at kailangan mong humanda sapagkat ang mga argumentong nagsisimula sa "nothing" kadalasang nahahantong sa "FINE."

GO AHEAD / SIGE
- Ito ay isang hamon, hindi permiso. Huwag kang gago! Huwag mong gawin.


LOUD SIGH / "Whew"..(Hahai)
- Hindi ito isang salita, pero ito'y isang hindi verbal na mensaheng kadalasang di naiintindihan. Ang isang malakas na "Hahai" ay nagpapahiwatig na ikaw ay isang tanga, idiot, moron atbp, at bakit pa siya nag-aaksaya ng oras para lamang makipagtalo sayo sa "wala."


THAT'S OKAY / OK Lang
- Mapanganib tong mensaheng ito para sa mga kalalakihan. "Ok lng" ay nangangahulugang gusto niyang mag-isip ng maigi bago siya magdedesisyon kung paano ka niya pagbabayarin sa iyong nagawang kasalanan.


THANKS
- Babala: Nagpapasalamat lang. Huwag mo ng itanong o di kaya'y maflattered. Sabihin mo lang "your welcome."

Thursday, June 18, 2009

Si Boss

Tahimik kong nilakbay ang konkretong daanan ng ubinersidad. Nagbabakasakali na sa aking malalim na pag-iisip ay maliwanagan naman ako kung saan talaga ako tutungo. Nagkunwaring tila isang henyong gutom, at dumukot sa bulsa. Nag-isip ng kung anong masarap na i-meryenda. Mag aalas kwatro na pala. Tumagingting ang barya na sa aking pag kapa ay batid kong, pang PUJ na lng pala pera ko. Wala akong karapatang kumain sa mga oras na ito, sabi ko sa sarili ko. Naubos ang pera sa proyektong pabalik-balik sa pagprint dahil sa mga komento ng aming mahabaging propesor. Sa halip na sa fudcourt ang punta, ay dumiretso sa drinking fountain at uminom ng tila isang litrong malamig na tubig. Nais kong libangin ang aking sariling puno ng pangamba at alinlangan sa buhay. Malungkot at walang makausap. Medyo gutom at nagdarasal na sana aprub si sir sa aming pinaghirapang proyekto. Gustong lumamig ang ulo at mapag-isa. Ayaw ng kausap, ingay, at kasamang kinukontrol ka kung saan kayo pupunta. Kaya't tinungo ang silid aklatan. Tahimik, nakakarelax at syempre, malamig. Bawal magdal-dalan, bawal matulog, bawal kumain dito. Parang dito nga ang sadya ko! Umakyat sa ikatlong palapag, sa Filipiniana section. Pumili ng mga babasahing angkop sa kasalukuyang kondisyon. "THANK GOD HE'S BOSS.." ni Bo Sanchez, ang kinuha ko. Tiningnan ko sa likuran ng cover ang bilang ng mga humiram nito. Marami na rin ang bumasa ng librong ito at malamang...naliwanagan. Dahan-dahan kong binuklat kasi may kalumaan na. Nagmistulang prayer session ang aking pagbabasa. Ang mga nakalathalang kaganapan sa kanyang buhay ay tila isang pagbabalik tanaw kung paano niya iminungkahi sa kanyang sarili ang tunay na kaligayahan. Masayahing tao at mahusay magpatawa ang sumulat ng aklat na ito. Sa mga makukulay niyang karanasan, nagbigay ngiti ito sa kabataan at sa mga malubhang nakatali sa kahinaan. Binuksan nito ang aking isipan sa realidad na ang buhay ay bukod sa weather weather lang, ay maari ring maihahalintulad sa isang paru-parong malayang naglalaro sa luntiang kapatagan. Ang pagiging isang ehemplo at makatao ang siyang tulay sa kanyang paglaganap sa banal na salita, na sa buhay ng bawat nilalang ay nakatatak ang pagmamahal ng Tagapaglikha. Kulang nga ang pera ko sa panahong iyon, di matatawaran ng pera ang mga aral na aking natanggap. Sa mga balakid at unos na dinaranas, ay naoorganisa ang puso at isipan na yakapin ang kasaganaang bihirang napapansin. Ilang beses man tayong nabiktima ng mapanlinlang na mundo ay nasa puso lang natin ang boses na tutugon sa atin kung saan tayo dapat pupunta. Tama nga...sadyang , pinapadanas o dumadanas tayo ng kalungkutan upang hagkan at dinggin ang boses sa ating pusong nagsasabing: "tumungo ka muna sa iyong banal na kalooban at pakinggan ang iyong sarili.."


P.S. nalipasan ako ng gutom..at di ko napansing natapos ko palang basahin ang buong libro.