Tuesday, February 9, 2010

...

Titig ako sa litratong nakapost sa internet. Medyo mabigat sa loob. Parang plinano ng mga bruhang walang pakialam ang mga kaganapan wala akong magagawa kundi panindigan ang aking pangakong pagbabago ngayong 2010. ..ok..heto na..ehem.(mdyo inuubo at sinisipon pa ako)..Si Mark, may pasabog daw ngayong linggo. Ewan ko kung anong plano ni "akon" pero sa tunog pa lng ng chismis ay may matingkad na bagay itong binubulong. Parang pipirma na ng kontrata itong si pare at ito ay panghabambuhay. Tanga kasi ito si "akon", sa tinagal-tagal nilang pagsasama ni "sunshine", aba'y naisipan pa nitong magpasiklab ng ala "maja salvador's RC Cola advertisement" na date(penge naman ako nyan..). Natural! ang iisipin ng girlalu ay isang bonggang-bonggang proposal, pero taliwas iyon sa kanyang maaring isipin. Baka ngayon ay naisipan niyang itodo na lang. Itodo ang nararapat at ang nasa kanyang puso. hahaha..pwede na akong hindi pumupunta sa linggo ha. Parang alam ko na ang mangyayari ngayong araw ng mga puso. Good luck sa inyo at advance happy birthday na lang sa mga magbibirthday ngayong Pebrero (di rin cguro ako magiging present sa kaarawan niyo.)
Sana'y gumaling na ang karamdaman ko.

No comments: