Naisipan kong mag treat ng spaghetti. Pero hindi sa Mcdo o sa Jollibee kundi sa panalong luto ni nanay. Madali lang palang magluto ng spaghetti. Hindi ko naisip iyon nung nasa grocery pa ako habang abala sa pagpili ng mga sangkap. First time ko kasi. Hindi ko matiyak kung alin ba sa dalawa ang tatlong pakete: ang spaghetti sauce o ang tomato sauce. Nakakalito! Aba’y, pareho lang naman yata ‘yon sila ah. Parehong sauce. Parehong mapula. Habang ako’y nagdedesisyon sa dapat kong piliin, ay inuna ko muna ang hotdogs, ground beef, pasta (na tumaas ang presyo) at keso. Salamat na lang at tinext ako ni nanay sa dapat kong piliin. Tatlong pakete pala ng spaghetti sauce at isang pack na malaki ng tomato sauce. Kinabukasan, ay sinimulan ni nanay ang pagluluto. Gusto kong tumulong pero, nagpasya akong mag obserba na lang. Madali lang talaga, ngayon ko pa namemorya at nakabisado lahat.
Dinalhan ko rin ang mga malalapit sa aking kalooban (sa skul) at doon kami kumain sa fudkort. Nasiyahan naman akong nasarapan sila sa dinala ko. Siguro ngayong pasko, ako na ang magluluto at sana, matutunan ko na ring magluto ng iba pang lutuin.
p.s. sa isang kasama ko...salamat din pala sa chicken joy (kahit galing sa ref.hehehe)
Monday, November 17, 2008
Thursday, November 13, 2008
Por pabor lola
Nakasanayan na ng karamihang pinoy ang sumubaybay ng mga soap opera at telenobela sa telebisyon. Naaalala ko pa noong pinupromote ng lola ko ang Mari-mar na pati ang mga kabataan sa bahay ay naadik na rin sa panonood. Kada gabi ay present si lola sa sala namin at buong lakas niyang inaabot tanaw ang palabas dahil sa malabo na ang paningin niya. Minsan nga ay napasobra ang pagsubay-bay ni lola (sabado pala 'nun), umupo siya katabi ko at nagtanung kung si Mari-mar ba ang babaeng nasa programang pinapanood namin. Sumagot naman kami: "di lola...si Ara Mina.." Medyo naliwanagan siyang sabado pala 'nun. Walang Mari-mar (at pulgoso). Sumagot naman siya: "ahhhh, si AraMina Villaroel!"
Nakakatuwa. Ewan ko lang kung joke yun, basta't hanggang ngayon, napapatawa pa rin kaming magkakapatid sa tuwing may makaka-alala.
Nakakatuwa. Ewan ko lang kung joke yun, basta't hanggang ngayon, napapatawa pa rin kaming magkakapatid sa tuwing may makaka-alala.
Wednesday, November 12, 2008
training with rockychoolo
May mga bagong OJT students na naman sa opisina. Bakas sa kanilang mukha ang medyo pagka-alanganin dahil sa hindi malaman kung anong dapat gawin. Dumaan din naman sila sa isang lecture na kung saan natutunan nila ang mga tamang gawain sa loob ng opisina o business establishment. Malaki talaga ang kaibahan sa iyong performance sa klase sa "hands on" na gawain. Hindi rin maitatanggi na mahirap ding mag-assign ng mga gawain sa mga OJT students. Dapat 'yung naayon lamang sa kanilang nalalaman at sa mga bagay lamang na dapat nilang malaman. Tandang-tanda ko pa noong nag-o-OJT ako sa isang bangko. 1st day pa lang ay pinaupo lang kami at pinaobserba sa mga karaniwang transactions (observation phase..hehehe). Ewan ko lang sa aking partner kung naobserve din nya ang mga kutis ng mga teller doon (tsk tsk). Kinabukasan, may naka-assign ng trabaho sa amin (yahoo!!). Excited kami. Pero, sobra yata ang expectation namin, dahil sa unang araw namin ay nilapagan kami ng isang kartong continuos paper at pinapunit ang gilid na bahagi ng mga papel (yung may mga butas..) Sa kabila ng pagkadismaya ay malugod naming tinanggap ni Rockychoolo ang very stimulating na trabaho. Maya maya ay napromote bigla ako - dahil maari na akong sumagot ng tawag sa telepono..(hahaha). Mabilis kaming magtrabaho. Madalas din naming gawing biro ang pagpaplano sa pagloob ng bangko. Tinitingnan din naming mabuti ang mga kumbinasyon ng numerong iniikot ng manager sa pag-open ng vault. Nakaupo lang kasi kami malapit sa vault. Nasaksihan ko ring makuryente ang kasamahan ko sa paghawak niya sa pintuan ng vault, kaya't naging maingat na ako sa pagpasok doon. Malugod din kaming tinanggap ng mga empleyado doon at makalipas ang isang linggo ay nakasanayan na rin nilang utusan kami. Minsan ay tumutulong kami sa pagbibilang ng mga bills at coins. May instance nga na may isang batang chubby na pumunta bit-bit ang kanyang alkansya. Balak daw mag-open ng kiddie savings account at ayun pinabuksan ang piggy bank at pinabilang ang mga baryang laman. Natuwa ang bata habang kami ay kumukulo ang dugo dahil sa iniistorbo kami sa pagbibilang. Sari-sari ang laman ng alkansya- may mga tokens, coins sa ibang bansa, kaya masaya kaming lahat. Mabait talaga ang mga empleyado doon, sa katunayan nga ay, pinasali pa nila kami sa kanilang Christams Party.
Hindi lang naman sa klase ng trabaho nakadepende ang halaga ng training kundi sa pamamaraan din ng yong pakikisalamuha sa mga taong nakakasama mo.
Hindi lang naman sa klase ng trabaho nakadepende ang halaga ng training kundi sa pamamaraan din ng yong pakikisalamuha sa mga taong nakakasama mo.
Tuesday, November 11, 2008
shhhhh

May ideya ba kayo kung sino ang unang nakaimbento ng pamamaraan sa pag clap ng hands? palakpak? Kung bakit natin ito ginagawa pagkatapos matunghayan ang isang kanta, sayaw, tula, atbp sa isang okasyon. O kahit sa larangan ng basketbol, volleyball, wrestling,mtm nakukuha nating pumalakpak. Nakatatak na nga bah ito sa'ting utak. Hindi ko naman maala-alang tinuruan ako ni nanay, tatay, teacher ng ganitong "talento!" (close/open lng ang maala-ala ko). Bago natin sagutin ang katanungang iyan ay tumahimik ka muna (sundin ang sinasabi ng haponesa sa larawan) at huwag kang pumalakpak.
Sagot: Ayon sa aking nabasang artikulo, nakagawian ng mga sinaunang tao ang pumalakpak tuwing "nagcha-chant" sila. Habang sumasayaw ay sumasabay ang mga manonood sa pagchant sa pamamagitan ng pagclap ng hands. Hanggang nauso ito tueing may mga presentasyong dinadaos gaya ng sayaw, kanta, at iba pang pagsasadula. Ewan ko lang kung sinubukan nilang gamitin ang mga paa sa sa pag palak-pak.
Napahaba yata ang intro ko. Ang main topic ko talaga dito ay ang senyales ng "Huwag maingay" o "shhh." Bakit ganito? Oh, kita mo, sino na naman ang nagpauso nito. Paano nagkaganito ang senyales 'pag sinasabihan kang tumahimik? Bakit hindi na lang 'yong tatakpan ang bibig? o yung middle finger ang gamitin? Sadyang malikhain talaga ang mga sinaunang tao. Kung may nagpauso ng papaya dance, spaghetti pababa, otso2x, sigurado tayong, may unang taong may pasimuno sa ganitong senyales. Hmmmm, any idea?
Friday, November 7, 2008
Si Patrick
Time na at wala pa si sir. May gurong pumasok na di naman namin kilala. Wala daw si sir kasi may forum na sinalihan. Sub teacher siya. Kaya ang ginawa niya ay pinasulat ang aming mga pangalan sa isang pirasong papel at ang paborito naming "motto" in life. Libangan siguro kasi wala ang aming mabait na guro. Walang pormal na klase. Nang pinasa na ang papel na puno ng pangalan, binasa ito ni sub-teacher. Malakas ang kanyang pagkakabasa na para bang gusto kaming i-recognize..Hanep ang mga kasabihan..pero, walang makakatalo kay patrick..ang motto niya sa life: "Hit me baby one more time!"..
P.S. Walang magawa
P.S. Walang magawa
Wednesday, November 5, 2008
AEIOU!
Masayang mag biyahe lalo na ‘pag ang mga kasabay mo ay ang mga walang modong, maiingay na mga kumag na barkada. Maraming mga diskusyon ang nabubuo dahil lamang sa mga nakikitang bagay sa loob at labas ng bus. Gaya na lang ng mamang nagbebenta ng mani at mala propetang nilalang na binibigkas ang mga katagang nagpapatunay kung gaano tayo kamahal ng Panginoon (at pagkatapos ay hihingi ng offering-in kind or in cash). Ibang klase ang ganitong trabaho, lalo na’t laway at kapal ng pagmumukha ang kinakailangan. Kakayanin ba ito ng isang fresh graduate, lalo na’t galing sa isang ekslusibong unibersidad? Pinalakas talaga ang loob ko ng mga taong iyon. Kung kaya nilang magtrabaho at dumiskarte, lalong mas kaya kong maghanap ng maayos at marangal na trabaho. Ni hindi nga siguro nakatungtong ng hayskul ang mga iyon. Hindi dumaan ng mga Accounting at Marketing subjects. Kagaya na lang ng mamang may dala-dalang ahas at pumepwesto sa mga park. Nagbebenta siya ng mga herbal na gamot at langis gamit ang ang isang improvised na sound system (nakakabit sa baterya ng sasakyan). Nakakamangha ang alam niya: Electrical/Mechanical engineering para sa sound system, Marketing strategy sa pagengganyo ng mga customer/ manonood, medicine para sa murang gamot at iba pang alternatibo (kagat ng aso, ahas, insekto, atb.) at minor in magic (nakukuha pang magsalamangka!). So, walang dahilan na hindi makakakuha ng isang marangal na trabaho ang isang college graduate.
Ewan ko lang kung naisip din yun ng mga kasamahan ko sa biyahe (korni kasing gawing topic yon..)
Makalipas ang mahigit isang oras na kwentuhan, ay napadaan kami sa isang terminal. Doon, bumaba ang karamihan (kasali ako) para mag c.r. Pero,nagkaproblema, kasi kailangang magbayad bago mo magamit ang kanilang urinals. ‘Di ko talaga nagets kung bakit?
O siguro, ‘di ko lang nabasa (naintindihan) ang karatulang: Ehe – P3 ; Lebang – P5.
Natawa na lang kami sa karatulang iyon, muntikan na kaming mapa-ehe sa bus! Hahaha.
Ewan ko lang kung naisip din yun ng mga kasamahan ko sa biyahe (korni kasing gawing topic yon..)
Makalipas ang mahigit isang oras na kwentuhan, ay napadaan kami sa isang terminal. Doon, bumaba ang karamihan (kasali ako) para mag c.r. Pero,nagkaproblema, kasi kailangang magbayad bago mo magamit ang kanilang urinals. ‘Di ko talaga nagets kung bakit?
O siguro, ‘di ko lang nabasa (naintindihan) ang karatulang: Ehe – P3 ; Lebang – P5.
Natawa na lang kami sa karatulang iyon, muntikan na kaming mapa-ehe sa bus! Hahaha.
Monday, November 3, 2008
hapi burp day
Naging masigasig akong patnubayan ang aking kasama sa pag-order niya sa counter. Dahil nga sa birthday niya, 'di ko maiwasang magoffer na ilibre siya. Pero ayaw talagang paawat, nilibre nya ako.(hahaha!)Alam natin na ang family size na pizza ay pampamilya (pangmaramihan). Napatawa siya ng tanungin ng babae sa counter kung take out bah. Ano bah, kaya nga naming ubusin eh! Hanggang sa pagdeliver ng waiter sa aming lamesa nagsitinginan ang bawat tao sa loob ng restaurant (parang gusto ko na lang take-out). Pero, di umubra sa aming gutom na sikmura ang family size na yan. Wala kaming pakialam sa mundo. Ganyan talaga siguro pag gutom. Tahimik sya, tahimik din ako. Inoobserbahan namin ang paligid kung nakatingin pa sila o hindi na (hanggang dito ba naman, may spy!). Mabilis kumain ang aking kasama. Habang ako'y nakatatlo pa, siya ay last piece na..hehehe..Habang hawak na niya ang kanyang pang huling pizza ay, nakapako ang tingin niya sa natitirang pizza (akin yon!)..hahaha..Hindi ako nasorpresa na kaya nyang ubusin yon (kahit nga wla ako siguro eh kaya niya..hehehe), ngunit doon talaga ako namangha sa kahiligan niya sa hot sauce! Parang di nakakakilala ng anghang! Akalain mong tumutulo na ang aking luha, habang siya ay parang nasa rurok ng kaligayahan. Iyon ay isang maligayang kaarawan at happy burp day talaga.
Subscribe to:
Comments (Atom)
