Wednesday, November 5, 2008

AEIOU!

Masayang mag biyahe lalo na ‘pag ang mga kasabay mo ay ang mga walang modong, maiingay na mga kumag na barkada. Maraming mga diskusyon ang nabubuo dahil lamang sa mga nakikitang bagay sa loob at labas ng bus. Gaya na lang ng mamang nagbebenta ng mani at mala propetang nilalang na binibigkas ang mga katagang nagpapatunay kung gaano tayo kamahal ng Panginoon (at pagkatapos ay hihingi ng offering-in kind or in cash). Ibang klase ang ganitong trabaho, lalo na’t laway at kapal ng pagmumukha ang kinakailangan. Kakayanin ba ito ng isang fresh graduate, lalo na’t galing sa isang ekslusibong unibersidad? Pinalakas talaga ang loob ko ng mga taong iyon. Kung kaya nilang magtrabaho at dumiskarte, lalong mas kaya kong maghanap ng maayos at marangal na trabaho. Ni hindi nga siguro nakatungtong ng hayskul ang mga iyon. Hindi dumaan ng mga Accounting at Marketing subjects. Kagaya na lang ng mamang may dala-dalang ahas at pumepwesto sa mga park. Nagbebenta siya ng mga herbal na gamot at langis gamit ang ang isang improvised na sound system (nakakabit sa baterya ng sasakyan). Nakakamangha ang alam niya: Electrical/Mechanical engineering para sa sound system, Marketing strategy sa pagengganyo ng mga customer/ manonood, medicine para sa murang gamot at iba pang alternatibo (kagat ng aso, ahas, insekto, atb.) at minor in magic (nakukuha pang magsalamangka!). So, walang dahilan na hindi makakakuha ng isang marangal na trabaho ang isang college graduate.
Ewan ko lang kung naisip din yun ng mga kasamahan ko sa biyahe (korni kasing gawing topic yon..)
Makalipas ang mahigit isang oras na kwentuhan, ay napadaan kami sa isang terminal. Doon, bumaba ang karamihan (kasali ako) para mag c.r. Pero,nagkaproblema, kasi kailangang magbayad bago mo magamit ang kanilang urinals. ‘Di ko talaga nagets kung bakit?
O siguro, ‘di ko lang nabasa (naintindihan) ang karatulang: Ehe – P3 ; Lebang – P5.

Natawa na lang kami sa karatulang iyon, muntikan na kaming mapa-ehe sa bus! Hahaha.

1 comment:

RJ said...

hahaha!

Nganong mas mahal man ang "LEBANG?" Sila ba ang magbubuhos?!

Ayos ang Fantaserye ni Kiko!