Thursday, November 13, 2008

Por pabor lola

Nakasanayan na ng karamihang pinoy ang sumubaybay ng mga soap opera at telenobela sa telebisyon. Naaalala ko pa noong pinupromote ng lola ko ang Mari-mar na pati ang mga kabataan sa bahay ay naadik na rin sa panonood. Kada gabi ay present si lola sa sala namin at buong lakas niyang inaabot tanaw ang palabas dahil sa malabo na ang paningin niya. Minsan nga ay napasobra ang pagsubay-bay ni lola (sabado pala 'nun), umupo siya katabi ko at nagtanung kung si Mari-mar ba ang babaeng nasa programang pinapanood namin. Sumagot naman kami: "di lola...si Ara Mina.." Medyo naliwanagan siyang sabado pala 'nun. Walang Mari-mar (at pulgoso). Sumagot naman siya: "ahhhh, si AraMina Villaroel!"
Nakakatuwa. Ewan ko lang kung joke yun, basta't hanggang ngayon, napapatawa pa rin kaming magkakapatid sa tuwing may makaka-alala.

3 comments:

Anonymous said...

OK ADD NA KITA SA LINKS KO. SENYSA NA LATE REPLY. :)

Kosa said...

hahahaha.. uu nga nakakatwa nga..lolz baka nman pati ikw naki-mari-mar ka din hahahah

ok lang.. eh bakit ba?
kesa nman magsinungaling ka

RJ said...

Hahahaha! Mahilig pala sa artista at mga palabas ang Lola mo. Pero dahil siguro may edad na siya kung anu-ano na ang mga napagdugtong-dugtong nyang pangalan at mga TV shows.

Kasama nyo Lola nyo sa bahay? Sarap ang may Lola lalo na kung paborito ka. o",)