Naisipan kong mag treat ng spaghetti. Pero hindi sa Mcdo o sa Jollibee kundi sa panalong luto ni nanay. Madali lang palang magluto ng spaghetti. Hindi ko naisip iyon nung nasa grocery pa ako habang abala sa pagpili ng mga sangkap. First time ko kasi. Hindi ko matiyak kung alin ba sa dalawa ang tatlong pakete: ang spaghetti sauce o ang tomato sauce. Nakakalito! Aba’y, pareho lang naman yata ‘yon sila ah. Parehong sauce. Parehong mapula. Habang ako’y nagdedesisyon sa dapat kong piliin, ay inuna ko muna ang hotdogs, ground beef, pasta (na tumaas ang presyo) at keso. Salamat na lang at tinext ako ni nanay sa dapat kong piliin. Tatlong pakete pala ng spaghetti sauce at isang pack na malaki ng tomato sauce. Kinabukasan, ay sinimulan ni nanay ang pagluluto. Gusto kong tumulong pero, nagpasya akong mag obserba na lang. Madali lang talaga, ngayon ko pa namemorya at nakabisado lahat.
Dinalhan ko rin ang mga malalapit sa aking kalooban (sa skul) at doon kami kumain sa fudkort. Nasiyahan naman akong nasarapan sila sa dinala ko. Siguro ngayong pasko, ako na ang magluluto at sana, matutunan ko na ring magluto ng iba pang lutuin.
p.s. sa isang kasama ko...salamat din pala sa chicken joy (kahit galing sa ref.hehehe)
Unboxing BOSE S1 Pro+ and Bose Mic/Line Transmitter
4 months ago
3 comments:
Ibang-iba nga talaga ang spaghettiNG lutong Pinoy- lalo na yung lutong bahay! Nakaka-miss. Makapunta nga sa Asian Grocery para makabili ng mga sangkap.
Sige karong Christmas, surprise na sad nimo imong Mama, ikaw na ang magluluto ng spaghetti!
Unta naki-microwave nalang mo sa food court para mainit ang chicken joy. o",)
wow! hindi ka man lang nagpadala dito. . hehe. . paborito co yang spaghetti eh. . kaso hindi co mahulihuli ung tamang lasa. . lasang minudo kasi luto coe. . pag marunong ka na penge ah?lol
Aysus, malapit sa heart? Karemember ko ani. Mao ning nikaon si Meg ug spaghetti. Hehehehe.:p
Post a Comment