May mga bagong OJT students na naman sa opisina. Bakas sa kanilang mukha ang medyo pagka-alanganin dahil sa hindi malaman kung anong dapat gawin. Dumaan din naman sila sa isang lecture na kung saan natutunan nila ang mga tamang gawain sa loob ng opisina o business establishment. Malaki talaga ang kaibahan sa iyong performance sa klase sa "hands on" na gawain. Hindi rin maitatanggi na mahirap ding mag-assign ng mga gawain sa mga OJT students. Dapat 'yung naayon lamang sa kanilang nalalaman at sa mga bagay lamang na dapat nilang malaman. Tandang-tanda ko pa noong nag-o-OJT ako sa isang bangko. 1st day pa lang ay pinaupo lang kami at pinaobserba sa mga karaniwang transactions (observation phase..hehehe). Ewan ko lang sa aking partner kung naobserve din nya ang mga kutis ng mga teller doon (tsk tsk). Kinabukasan, may naka-assign ng trabaho sa amin (yahoo!!). Excited kami. Pero, sobra yata ang expectation namin, dahil sa unang araw namin ay nilapagan kami ng isang kartong continuos paper at pinapunit ang gilid na bahagi ng mga papel (yung may mga butas..) Sa kabila ng pagkadismaya ay malugod naming tinanggap ni Rockychoolo ang very stimulating na trabaho. Maya maya ay napromote bigla ako - dahil maari na akong sumagot ng tawag sa telepono..(hahaha). Mabilis kaming magtrabaho. Madalas din naming gawing biro ang pagpaplano sa pagloob ng bangko. Tinitingnan din naming mabuti ang mga kumbinasyon ng numerong iniikot ng manager sa pag-open ng vault. Nakaupo lang kasi kami malapit sa vault. Nasaksihan ko ring makuryente ang kasamahan ko sa paghawak niya sa pintuan ng vault, kaya't naging maingat na ako sa pagpasok doon. Malugod din kaming tinanggap ng mga empleyado doon at makalipas ang isang linggo ay nakasanayan na rin nilang utusan kami. Minsan ay tumutulong kami sa pagbibilang ng mga bills at coins. May instance nga na may isang batang chubby na pumunta bit-bit ang kanyang alkansya. Balak daw mag-open ng kiddie savings account at ayun pinabuksan ang piggy bank at pinabilang ang mga baryang laman. Natuwa ang bata habang kami ay kumukulo ang dugo dahil sa iniistorbo kami sa pagbibilang. Sari-sari ang laman ng alkansya- may mga tokens, coins sa ibang bansa, kaya masaya kaming lahat. Mabait talaga ang mga empleyado doon, sa katunayan nga ay, pinasali pa nila kami sa kanilang Christams Party.
Hindi lang naman sa klase ng trabaho nakadepende ang halaga ng training kundi sa pamamaraan din ng yong pakikisalamuha sa mga taong nakakasama mo.
Unboxing BOSE S1 Pro+ and Bose Mic/Line Transmitter
3 months ago
1 comment:
Ang daming nakakatawang alaala sa OJT nyo sa bangkong yun! Diha to sa Davao ang bangko, Bay?
Magkano naman ang naipon ng chubbing bata? Sana tama ang pagkabilang nyo. Hahaha! o",)
Gusto ko ang panghuling talata mo rito sa post na ito! tama 'yon.
[Parang ang hahaba ng mga talata? May problema ba sa HTML? Sana masolusyunan mo na.]
Post a Comment