May malaking kaibahan ang C.A.T. (Citizens Army Training) ngayon at noon. Kadalasan ay inihahambing natin ito sa pagbibilad sa araw ng mga kadete, pagmamarcha,tactical inspections at iba pa. Ngunit sa kwento ng aming mahal na propesor, noong kapanahunan niya (taong 1980's), ay ibang-iba ang kanilang C.A.T. Program. Nagsilbi sila sa isang City Jail. Doon ay tumutulong sila sa pag rarasyon ng mga pagkain at sa pagbabantay ng mga preso. Nakakatakot ngunit malaki din ang naging papel ng training sa kanyang pagkatao. Hindi maiiwasang magkakaroon sila ng diskusyon sa mga preso: mapalablyf, kalokohan, buhay-buhay, dahilan sa pagkakakulong. Kailangan din nilang makihalubilo upang makabuo ng isang report tungkol sa isang buhay preso. Marami siyang nasaksihan doon ngunit ang 'di niya makakalimutan ay ang gawain ng isang presong abalang-abala sa pagfile ng mga nakalobong cellophane (kulay pula, pambalot sa pandesal). Hindi niya talaga maintindihan kung para saan ang mga bagay na iyon. Isang araw, tsempong naabutan niyang ginagawa ulit ang di ordinaryong gawain ng isang preso. Sumagot naman ang preso at ibinulgar kung para saan ang mga naiipong pastics: "Ahhh, eto sir..eto ang panandiliang aliw namin dito. Baka gusto mong i-try sir?" Medyo nagduda si sir baka illegal ang kanilang ginagawa, ngunit tinanung pa niya ito kung ano ba ang laman ng cellophane. Nang sinagot ng preso ang "highlight" question, nakaramdam ng extreme pandidiri si sir. Natawa, gustong masuka ni sir dahil nalaman niyang iyon pala ay utot. Fermented na utot. At nakuha pa ng presong ipasubok ang taglay na "sweet aroma" sa aming sir. Nakakatawa mang isipin ngunit di pa rin namin maiwasang magtanong kung nagdudulot ba talaga iyon ng sensation (hahahha). Nagulantang talaga ang aming klase sa kwentong iyon.
Eh, sir paano kung utot ng kilalang artista? paano kung galing sa isang foreigner?? Sir, di kaya flammable iyon? hahahahaha...at marami pang mga tanong na lalong nagpagulo sa klase.
Unboxing BOSE S1 Pro+ and Bose Mic/Line Transmitter
4 months ago
4 comments:
napaka-cool nman ni ser...lols
balik tanaw nga nman... forget the old days pareko.. nasa makabagong panahon na tyu.. wala ng c.a.t. at wala na ding r.o.t.c. lol
ang makikigera? mga robot na.. o di kaya yung mga buhay na walang kwenta sa mundo
Whew! o",)
haha! sana lang hindi basang utot yung nasa plastic hehehe :-)
haha. . buti na lang hindi co naranasang mag CAT. . nakakatakot sa kulungan. .
Post a Comment