Tuesday, November 11, 2008

shhhhh


May ideya ba kayo kung sino ang unang nakaimbento ng pamamaraan sa pag clap ng hands? palakpak? Kung bakit natin ito ginagawa pagkatapos matunghayan ang isang kanta, sayaw, tula, atbp sa isang okasyon. O kahit sa larangan ng basketbol, volleyball, wrestling,mtm nakukuha nating pumalakpak. Nakatatak na nga bah ito sa'ting utak. Hindi ko naman maala-alang tinuruan ako ni nanay, tatay, teacher ng ganitong "talento!" (close/open lng ang maala-ala ko). Bago natin sagutin ang katanungang iyan ay tumahimik ka muna (sundin ang sinasabi ng haponesa sa larawan) at huwag kang pumalakpak.
Sagot: Ayon sa aking nabasang artikulo, nakagawian ng mga sinaunang tao ang pumalakpak tuwing "nagcha-chant" sila. Habang sumasayaw ay sumasabay ang mga manonood sa pagchant sa pamamagitan ng pagclap ng hands. Hanggang nauso ito tueing may mga presentasyong dinadaos gaya ng sayaw, kanta, at iba pang pagsasadula. Ewan ko lang kung sinubukan nilang gamitin ang mga paa sa sa pag palak-pak.
Napahaba yata ang intro ko. Ang main topic ko talaga dito ay ang senyales ng "Huwag maingay" o "shhh." Bakit ganito? Oh, kita mo, sino na naman ang nagpauso nito. Paano nagkaganito ang senyales 'pag sinasabihan kang tumahimik? Bakit hindi na lang 'yong tatakpan ang bibig? o yung middle finger ang gamitin? Sadyang malikhain talaga ang mga sinaunang tao. Kung may nagpauso ng papaya dance, spaghetti pababa, otso2x, sigurado tayong, may unang taong may pasimuno sa ganitong senyales. Hmmmm, any idea?

3 comments:

paperdoll said...

hmm. . . ? si bitoy na may palakpak boys at palakpak girls sa BFV? oo. . parang alam co nga to. . may papalakpak tapos may sisigaw ng SILENCIO! db? db?

RJ said...

Ayos ang observation mo Kiko, ah!

Hanga ako sa mga iniisip mo, pati yan nabigyan mo ng pansin!

Well, wala rin akong ideya...

-----------
Kung si Paperdoll kakaiba dahil sa kanyang mahiwagang "C," parang mauuso yata sa yo ang bagong spelling ng tuwing ah. TUEING.

"Hanggang nauso ito tueing may mga presentasyong dinadaos gaya ng sayaw, kanta, at iba pang pagsasadula."

Kanya kanyang style talaga yan, di ba? o",)

Ark said...

Ganda naman ng model mo bro, hehe..