Monday, December 28, 2009

Ngayong 2010

Inaatake na naman ako ng antok kaya't humakbang patungo sa mumunting lamesa at dahan-dahang tinatantiya ang timpla ng nakaugaliang lasa ng kape. Huling araw ito ng pagpasok sa opisina at animo'y naging tahimik na bodega ang silid na aking ginagalawan. Bagama't wala si boss, tahimik nga naman ang lungga ng mga dagang umaani sa kani-kanilang prutas at gulay sa "farm ville.". Ang iba nama'y dumadaing na sana hindi maiextend ang kanilang trabaho bukas, kaya't tinatapos nila ngayon ng pilitan. Mag aalas 4 na, at pinatugtog na ng aming mabagsik na kasamahan ang kanta ng "the journey". Malaking pasasalamat ko sa kanya sapagkat nakalimutan kong dalhin ang aking headset at tuloy di ko mapakinggan ang mga nakahilerang kanta ni Jamie Rivera at Gary V. (Lord heal our land). Napapalapit kasi ako sa Maykapal at minsan ay trip ko din ang 80s- oldies. Medyo nabuhayan ang loob ko sa boses ng "the journey." Parang nagjojoyyride. Mainit sa labas at damang-dama ko ito sapagkat sinasalubong nito ang sinumang pumapasok sa banyo. Habang nakatayo at nakatuon ang atensyon sa inuduro ay pilit inaagaw ang iyong pansin dala ng matinding liwanag at maaliwalas na panahon. Kaya nga, ito ang mabisang alternatibo ko sa pagrelax ng aking mata- ang tumingin sa malayong kapatagan at sa luntiang taglay nito.

Sa aking muling pag angat ng aking tasa ay napansin kong malamig na ang aking kapeng magkasing kulay sa sapa ng davao river. Inubos ko na ito, at dali-daling uminom ng tubig na malamig. Nag mistulang “slow motion” ang paggalaw ko na para bang….parang kailan lang. Hawak-hawak ang higanteng kutsarang natanggap sa Kris Kringgle (something big), ay nanalamin ako at napansin ang buhok kong magulo. Sadyang mabait nga naman ang katrabaho ko dito. Tanggap at wala silang pakialam kahit may tuyong toothpaste ka pa sa bibig mo. Kasabay ang paggunita sa aking mga nagawa sa taong 2009. Meron nga ba? Laganap dito sa opisina ang mga sagad na panunuya kaugnay sa iyong kontribusyon sa kumpanya. Diretsahan kang hinahampas ng mga katagang pilit pinaparamdam sa iyong isa kang inutil at mabuti pa'y magresign ka na lang. Pero, binabalutan ito ng tawanan upang nang sa ganun ay maibsan ang lakas ng tama nito sa kalooban. Idagdag mo na diyan ang mga pagkakataong matritripan ka dahil sa iyong suot na polo at kumikinang na leather shoes, sabay ang malakas na tanong: “May interview sa ibang kumpanya?” Ngunit kung titingnan nating mabuti, tayo nga lang ang makakapagsabi kung meron nga ba tayong nagawa o wala. Sa madaling salita, nasa sa atin ang desisyon, ebalwasyon at ang pagbabago para simulan ang napansing kakulangan.

Nakakabagot nga namang isipin na sa pagbalik mo sa January 4 (balik trabaho), ay parehang-pareha pa rin ang pagkakaayos ng iyong mga gamit sa lamesa. Ang mga scratch papers na nilalaman ang mga detalyeng: load – 150, light – 1000, avon – 500, dakki – 400, cup noodles – 45, at iba pa, ang laptop na parang may granules na ang keyboard, ang shelves na pinamamahayan na (yata) ng daga at ahas at mga tupperwares na nakapondo dahil sa tamad ng dalhin sa bahay at parang magbabagong taon na rin sila opisina., mga posters na binabalot na ng matinding alikabok. Mabuti na lang at naisipan kong linisin ang aking balwarte at bigyan ng importansya ang mga kagamitang ipinagkaloob sa akin.

Magiging madugo ang taong ito. Sa buwan ng Hulyo ay susuungin naming ang butas ng karayom sa pag-abot sa pagpapatunay na kami nga ay qualipikado sa International Standards. Ang aming grupo ang may malaking pananagutan at responsibilidad sa misyong ito. At medyo, hinahanda ko na ang aking sarili sa mga delubyong paparating. Isang malaking hakbang din ito para maging matatag at magaling din ako sa binigay sa aking trabaho.

Magkahalong takot at saya ang pagsalubong sa 2010. Nababanggit ko sa isipan ang aking mga plano kung paano ko patakbuhin ang aking sistema sa pag harap ng mga responsibilidad. Nakakatakot ding silipin ang mga dinulot ng mga mali sa nakaraan, kung paano ko ito malalabanan at maiiwasan sa kasalukuyan at hinaharap.


Pilit kong tinitibayan ang aking loob na sa mga pasaning mahaharap ko, di pa rin ako mawawalan ng pag-asa at tiwala sa sarili. Nakatuon din ang aking pangarap sa aking pag-aaral na magiging karagdagang panangga sa hamon ng kompetisyon. Sa pamilya kong sumusuporta sa tinatahak kong landas sa kumplikado kong trabaho, nawa’y mabalanse ko ang oras na ilalaan. Sa, mga nagmamahal at mga minamahal ko at importanteng tao, nawa’y maabot ko ang tagumpay at maibalik sa kanila ang kaligayahang naidulot.

Pipilitin at sisikapin kong gumawa ng sistemang tutulong sa aking paggalaw sa mundo na puno ng tukso at oportunidad at ipapagpatuloy ko ang pagiging isang ehemplo sa aking mga kapatid at mga kaibigan.

Kaya’t 2010, kung sino ka man, tigilan mo na ang pananakot sa akin.

Thursday, December 17, 2009

Love test result: "maharot"

Sinubukan kong sagutin ang isang "love test" at namangha sa resultang nakuha.

The Five Love Languages

My primary love language is probably
Physical Touch
with a secondary love language being
Words of Affirmation.

Complete set of results

Physical Touch: 12
Words of Affirmation: 7
Quality Time: 4
Receiving Gifts: 4
Acts of Service: 3


Information

Unhappiness in relationships, according to Dr. Gary Chapman, is often due to the fact that we speak different love languages. Sometimes we don't understand our partner's requirements, or even our own. We all have a "love tank" that needs to be filled in order for us to express love to others, but there are different means by which our tank can be filled, and there are different ways that we can express love to others.

Take the quiz

:)

Wednesday, November 25, 2009

Importante

1.monthsary:
(from urban dictionary)
An important day, very much like an anniversary, but it is celebrated in terms of months, as opposed to anniversaries which are celebrated in terms of years. The only difference is that there are only 11 monthsaries for a certain event, the 12th would already be an anniversary.
If a couple got together on April 18, their monthsary, rather, monthsaries, would be on May 18, June 18, July 18, ..., until March 18 of the following year. Then, The next 18th, which is April, would be logically, their first anniversary.



O Monthsary, kahit ipikit mo ang inyong mata ay, darating at lilipas din. Isang dependent variable na maaring hambingan ng magandang pakiramdam o malamig na emosyon at suma tutal, isang bagay na hindi mo na maaalis o mabubura pa sa isipan- Memorya.

Kaya nga, kahit matagal ng nagsasama, ay di maiiwasang nag-aaway tuwing monthsary. Ang iba nga eh, nagkakahiwalayan pa.


Kailangan nga bang magkita tuwing okasyong ito? kailangan nga bang magkita?


lilipas din ito....kailangan lang ng pahinga...


Hindi importante ang maging importante ako sa araw na ito..ang importante ay mapahalagahan ang mas importanteng bagay.

Tuesday, November 10, 2009

Tuldok lng

(excerpt from the Book of Genesis:)
At nayari ang langit at ang lupa, at ang lahat na natatanaw sa mga iyon. 2 At nang ikapitong araw ay nayari ng Dios ang kaniyang gawang ginawa; at NAGPAHINGA ng ikapitong araw sa madlang gawa niyang ginawa. 3 At binasbasan ng Dios ang ikapitong araw at kaniyang ipinangilin, sapagka't siyang ipinagpahinga ng Dios sa madlang gawang kaniyang nilikha at ginawa.

Napapagod nga ba ang Diyos? Nagpapahinga nga ba ang Panginoon?
Maaring natumbok ni Gary V? (“Natutulog ba ang Diyos?”)
Anong misteryo ang bumabalot sa katagang ito? O sadyang inuugnay lamang ang salitang ito sa mga katangiang taglay ng isang tao?

May emosyon ba siyang tinataglay? Sa mga kasamaan ng sanlibutan, nasasaktan ba Siya? Ikinatutuwa ba Niya ang iyong magandang nagawa? O nahahabag nga ba Siya sa iyong dinaranas na kahirapan?

Ang emosyon ba ng Maykapal ay katulad din sa ating tinataglay?- pagmamahal, galit, saya, inggit, etc.

Ang pagmamahal na binibigkas natin ay sya rin bang pagmamahal na iniaalay o nararamdaman ng Maykapal?

Tila isang “manhid” mang nilalang kung Siya’y isipin nitong limitadong isipan, ay katumbas din sa isang pirasong tinapay na biniyak at ibinahagi sa sanlibutan ang kanyang pagkadakila.
Sa pagkakahubad sa mundong makasalanan, binihisan tayo at pinrotektahan.
Isang pagkadakilang sumisimbolo sa isang walang muwang na tupang inialay ang kanyang buhay para tubusin tayong makasalanan.


Sa mga libu-libong katanungang dumadagundong sa sansinukob, ay mainam na sabihing tayong lahat ay tuldok lng.

Tuesday, August 18, 2009

Bisaya kasi

"amaw!!..alam mo, ang relasyon ay may kalakip na pagsubok, risks na either mag break or patatagin ka..pumasok ka dyan eh, dapat handa ka para sa mga pagsubok na yan...ayaw kahadlok..(wag kang magselos)..wag kang matakot.."
(translated already...from bisaya)

Mas tumatalab yata ang bisaya sa damdamin. Kaugnay ng tulang naisulat ko sa ibaba, ay mas ginugunita ko ngayon ang naantalang pagbabago sa puso ni Kiko. Nais at kailangan ang malaking bagay na ito sapagkat nasasayang ang pagkakataong maging isang tunay na lalaki. Sa karatig pwersa ng takot at pangamba ay may mga pagkakataong pilit kang binabangon sa putikan. Mapwersa man ang takot na nakasilid sa puso ay kinakabig ito ng mga simpleng salita na di mo akalaing iaangat ka.
Sinarhan ka na ng pinto dahil sa pababalik na kamalian. Malamig na hangin at pakikitungong nagsisilbing parusa sa kahibangang naidulot. Marahil ay pagod na.
Sa simpleng may akda ng mga katagang ito, malugod akong tinatanggap ito.

Tuesday, August 11, 2009

Dakiko tula

Ano ba Kiko? Parati ka na lang mainitin ang ulo.
Sanhi ba ito ng iyong matinding pag aalala,
Na bukas makalawa ay wala na siya?
Na sa takbo ng panahong iyong pinakaasam asam,
Ay tumiwalag siya at sampalin ka ng katotohanan?
Sa pagbabalat kayo’y inaantig ka ba ng iyong konsensya?
Sa damdaming nais maiparating at kontrolin,
Ninanais na siya ay abutin.
Sa hiwaga ng kanyang ngiti at talinong angkin,
Tila nabubuway sa pagkakataong siya ay mahalin.
Sadyang mapaglinlang na larawan ang natatanaw sa isipan.
Na sa dialogong di matanaw ang tamis ng kataga,
Ay parang araw na makulimlim at walang sigla.
Ano ang aking gagawin? Ano ang aking nagawa?
Simple bang sumabay sa nakasanayan? o intindihin ang di maintindihan.
Okupado man ang kanyang isipan,
balat sibuyas naman akong nangangatwiran.
Sa pagpili ko ng tamang alagad sa katotohonan,
Nitong puso’y nais kang handugan:
Isang mainit na pag-unawa at nasa tonong kanta.
Halina’t bigyan ng kulay ang lirikong alay ko sa iyo.
Mamahalin kita higit pa sa salitang mahal.
Paano ba Kiko?

Monday, June 29, 2009

Ponder


"...lahat ng bagay ay nadadaan sa usapan..."
- Salamat sa Apo Hiking Society.

Hindi tayo perpekto. Subalit, mabisang sandata and pagiging mahinahon sa sandaling binubuhusan ka ng mainit at nakakatunaw na mga salita. Patapusin munang magsalita ang kabilang panig at hintaying kumalma. Tama. Bingi nga ang taong galit. Gustuhin mo mang manalo sa argumento ay, matatalo't matatalo ka rin.

Hindi nakakalason ang lumunok ng pride. Minsan mas matimbang pa sa mga salitang binibitawan ang mga salitang...di binibitawan at tinatago sa sarili.

--pilosopo kiko

Tuesday, June 23, 2009

Hahai

Mahirap nga yatang makipagtalo sa taong ayaw namang sumagot. Hindi umiimik. Kung tatanungin mo kung anong problema?, ay sasagot ng "wala". Isang delubyo ang pagkakataong parang nagkukunwaring pipi at bingi dahil sa iyong nagawang kasalanang pilit mong binabalik tanaw. Expect the worst ika nga. Pero hindi ka naman karapat dapat tumanggap ng matamis at magandang pakikitungo kung sa kanyang pagiging isang bagyo, ay di mo siya kayang kontrolin at intindihin.
Halina't busisihin nating mabuti ang mga salitang kadalsa'y di natin maintindihan:

FINE
- Ito ang ginagamit nila para tapusin ang argumentong alam nilang sila ang tama.

NOTHING / WALA
- Ang ibig sabihin nito ay "meron" at kailangan mong humanda sapagkat ang mga argumentong nagsisimula sa "nothing" kadalasang nahahantong sa "FINE."

GO AHEAD / SIGE
- Ito ay isang hamon, hindi permiso. Huwag kang gago! Huwag mong gawin.


LOUD SIGH / "Whew"..(Hahai)
- Hindi ito isang salita, pero ito'y isang hindi verbal na mensaheng kadalasang di naiintindihan. Ang isang malakas na "Hahai" ay nagpapahiwatig na ikaw ay isang tanga, idiot, moron atbp, at bakit pa siya nag-aaksaya ng oras para lamang makipagtalo sayo sa "wala."


THAT'S OKAY / OK Lang
- Mapanganib tong mensaheng ito para sa mga kalalakihan. "Ok lng" ay nangangahulugang gusto niyang mag-isip ng maigi bago siya magdedesisyon kung paano ka niya pagbabayarin sa iyong nagawang kasalanan.


THANKS
- Babala: Nagpapasalamat lang. Huwag mo ng itanong o di kaya'y maflattered. Sabihin mo lang "your welcome."

Thursday, June 18, 2009

Si Boss

Tahimik kong nilakbay ang konkretong daanan ng ubinersidad. Nagbabakasakali na sa aking malalim na pag-iisip ay maliwanagan naman ako kung saan talaga ako tutungo. Nagkunwaring tila isang henyong gutom, at dumukot sa bulsa. Nag-isip ng kung anong masarap na i-meryenda. Mag aalas kwatro na pala. Tumagingting ang barya na sa aking pag kapa ay batid kong, pang PUJ na lng pala pera ko. Wala akong karapatang kumain sa mga oras na ito, sabi ko sa sarili ko. Naubos ang pera sa proyektong pabalik-balik sa pagprint dahil sa mga komento ng aming mahabaging propesor. Sa halip na sa fudcourt ang punta, ay dumiretso sa drinking fountain at uminom ng tila isang litrong malamig na tubig. Nais kong libangin ang aking sariling puno ng pangamba at alinlangan sa buhay. Malungkot at walang makausap. Medyo gutom at nagdarasal na sana aprub si sir sa aming pinaghirapang proyekto. Gustong lumamig ang ulo at mapag-isa. Ayaw ng kausap, ingay, at kasamang kinukontrol ka kung saan kayo pupunta. Kaya't tinungo ang silid aklatan. Tahimik, nakakarelax at syempre, malamig. Bawal magdal-dalan, bawal matulog, bawal kumain dito. Parang dito nga ang sadya ko! Umakyat sa ikatlong palapag, sa Filipiniana section. Pumili ng mga babasahing angkop sa kasalukuyang kondisyon. "THANK GOD HE'S BOSS.." ni Bo Sanchez, ang kinuha ko. Tiningnan ko sa likuran ng cover ang bilang ng mga humiram nito. Marami na rin ang bumasa ng librong ito at malamang...naliwanagan. Dahan-dahan kong binuklat kasi may kalumaan na. Nagmistulang prayer session ang aking pagbabasa. Ang mga nakalathalang kaganapan sa kanyang buhay ay tila isang pagbabalik tanaw kung paano niya iminungkahi sa kanyang sarili ang tunay na kaligayahan. Masayahing tao at mahusay magpatawa ang sumulat ng aklat na ito. Sa mga makukulay niyang karanasan, nagbigay ngiti ito sa kabataan at sa mga malubhang nakatali sa kahinaan. Binuksan nito ang aking isipan sa realidad na ang buhay ay bukod sa weather weather lang, ay maari ring maihahalintulad sa isang paru-parong malayang naglalaro sa luntiang kapatagan. Ang pagiging isang ehemplo at makatao ang siyang tulay sa kanyang paglaganap sa banal na salita, na sa buhay ng bawat nilalang ay nakatatak ang pagmamahal ng Tagapaglikha. Kulang nga ang pera ko sa panahong iyon, di matatawaran ng pera ang mga aral na aking natanggap. Sa mga balakid at unos na dinaranas, ay naoorganisa ang puso at isipan na yakapin ang kasaganaang bihirang napapansin. Ilang beses man tayong nabiktima ng mapanlinlang na mundo ay nasa puso lang natin ang boses na tutugon sa atin kung saan tayo dapat pupunta. Tama nga...sadyang , pinapadanas o dumadanas tayo ng kalungkutan upang hagkan at dinggin ang boses sa ating pusong nagsasabing: "tumungo ka muna sa iyong banal na kalooban at pakinggan ang iyong sarili.."


P.S. nalipasan ako ng gutom..at di ko napansing natapos ko palang basahin ang buong libro.

Monday, June 1, 2009

Arinola Conquest

Maimpluwensya ang "ultraman" sa amin ng aking nakababatang kapatid na si Mikoy. Ang mga kagila-gilalas na mga stunts at fighitng scenes ay ibang klase. Sa aming kabataan noon ay manghang-mangha kami sa kanyang pagpuksa sa mga halimaw at iba pang nakakatakot na nilalang. Hanggang matapos ang palabas ay ipinapatuloy namin ang mga kaganapan sa aming paglalaro. Gamit ang hanger (na kadalasan ay pamalo ni mama) bilang isang baril, na para bang nasa giyera kami. Ang paboritong "battle field" namin ay ang kama ni lola. Dahil sa kutson nito ay ganado kaming tumalon at magtumbling. Paulit-ulit kong ginawa ang "tiger jump" at "front roll". Si Mikoy naman ay nangangarap mag "back tumbling."
"Ultraman beam!!", ang sigaw ko sabay tumbling nang biglang may nasagi ako. Paglanding ko sa sahig ay naramdaman ko ang basang sahig. Sumingaw ang amoy na di ko maipaliwanag. Patay! (napasigaw din si Mikoy). Patay si Ultraman, nasagi ko ang arinola ni lola! Ang mala fermented na laman ay sumiklab sa kahoy na sahig. Mabuti na lang at walang nakahalong time bomb or land mines. Dali-dali naming pinunasan ang ebidensya baka kalaboso ang abutin namin at hindi na namin maipagtanggol ang sanlibutan.
Sa aming kalikutan ay general cleaning ang kinalabasan. Inapplyan na lang din namin ng floor wax ang sahig para na man gumaan-gaan ang aming kasalanan. Matapos ang insidenteng iyon ay di na naulit ang paglalaro namin sa battle field na iyon.

p.s. no comment na man si lola sa aming pagpapakintab sa kanyang sahig.

Thursday, May 21, 2009

tooth eeek

Pagkatapos kong maghapunan ay unti-unti kong naramdaman ang kirot sa aking ngipin. Kinaya ko naman ang sakit na iyon kaninang nasa opisina pa ako kaya nga't ipinagsawalang bahala ko na lang. Nagkukuwentuhan kami ng aking nakababatang kapatid ng biglang umaatake na naman ang malakulam na sakit na tila ini-iniksyon sa aking gilagid. Napahinto ako sa aking pagkukuwento at hinimas-himas ang kanan kong panga. Subalit, mas lalong lumalakas ang pwersang taglay ng sakit. Maluha-luha kong binigkas ang gardan at ponstan. Kailangan ko ng pain killer!
Humiga ako sa kama at doon ipinagpatuloy ang kalbaryo. Pilit ko mang ipikit ang aking mga mata ay pilit na nagpapapansin ang kirot. Subalit, imbes na alalayan ako ng aking kapatid ay pinagtawanan pa ako at ginaya ang aking award-winning na pagganap bilang isang biktima ng isang mapangahas na kapalaran.
Makaraan ang ilang minuto ay tumalab na ang pain killer na ininom ko. Mahimbing akong natulog at umaasang hindi na bumalik ang isotorbong kirot.
Sa susunod na linggo, ipapabunot ko na ang magreretire na ngiping ito.
Salamat sa mga ala-ala o ngipin ko.

Thursday, May 14, 2009

Foot print ni Kiko


Ang "pinasugbo" ay isang pagkaing mula sa saging na saba. Malutong, payat na pagkakahiwa na nilgyan ng brown sugar syrup at sesame seeds. Gets? Kadalasan ito ang pasalubong ng mga nagbibiyahe galing Negros. Matamis at nakakachallenge kainin. Akalain mong ang isang piraso nito ay nakalagay lamang sa isang mumunting papel na nagsisilbing hawakan at minsan, nakakain mo pa kasali ang papel lalo na pag malapit ng maubos. Super sticky kasi at syempre, sayang ang caramel at saging na pwede pang lasapin!
Pero ibang klase ang ginawa ni Kiko sa pinasugbo. Imbes na kainin, ay ginawa itong collage. Oo! tila isang di pangkaraniwang ideya. Retreat nun, at inatasan kaming gumawa ng collage or kahit na anong sumisimbolo sa iyong commitment kay Lord, gamit ang mga bagay na makikita sa paligid. Kung sa bagay, tira at nilalanggam na 'yon, kaya yon ang naisip kong gawing materyales. Kanya-kanyang artwork. Kanya-kanyang simbolo. May ibang pumitas ng bulaklak, dahon, tuyong dahon para idikit sa papel. Meron ding ibang gumamit ng basura.
Ang pinasugbong nakalagay sa mumunting papel ngayo'y nakadisplay sa isang buong bond paper.


Foot print na sumisimbolo sa aking paglalakbay kasama ang Panginoon. Sa kagubatang puno ng pangamba, kasama ko Siya. Ang ilaw na kanyang taglay ay ang aking buhay.

Monday, May 4, 2009

SAGLET



Simula’t simula pa ay pinaghahandaan ko na talaga ang pakikipagkita sa “kanya” lalo na pag kasama niya ang kanyang tropa. Hindi ko lubos maintindihan noon kung bakit kailangan kong ibahin ang aking ganap na personalidad para lamang makasabay sa kanilang himig. Ang pagkakahilig nila sa pagkain at “friendly discussion” ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob para sumabay . Empty handed akong lumalaban sa mga pagkakataong nagsisimula na silang gumawa ng eksena. Ang eksenang di angkop sa mga batang manunood ay alay nila sa natatanging biktima. Doon nauungkat ang mga detalyeng pilit mong iniiwasan at mga tanong na hindi mo masagot ng oo o hindi. Sa paglathala ng mga texts na nawrong send, sa mga sagradong endearments na ibinubuko, sa pagkumbinse sa iyo na bumunot ng wallet, at sa kidlat sa bilis na pagtukoy sa iyong “kahinaan” (Maam!), ay isang mala-joyful ride sa roller coaster na walang harness. Dahil silang lahat ay matatalino, mahihirapan kang lumusot. Sari-saring bokabularyo at pamatay na kataga ang aking natututunan. May kanya-kanya din silang paniniwala. Mahusay kumilatis at higit sa lahat, walang mintis sa pagacknowledge - Tse!, I kick u!
IIlan lamang ito sa aking mga “rules of engagement” para sa kanila:
1.Iwasang mawrong send
2.Huwag dib-dibin ang “tse!”
3.(Mas lalong) Huwag dib-dibin ang “i kick ur balls!”
4.(Pinaka lalong) Huwag dibdibin ang mga comments sa multiply
5.Pakiramdaman ang mood ng bawat isa (lalo na si …)
6.Matutong magsalita at makijoin sa usapan (kahit mahirap)
7.Iwasang maging korni kadalasan (minsan lang)
8.Maging listo sa mga jokes na binibitawan nila
9.Huwag magpapahalatang nasaktan/apektado
10.Huwag maging killjoy

Sa pagtakbo ng panahon, ay nabuo ang kagustuhan kong sila’y maging kaibigan at lubusang makilala.

TSE!!!! I KICK U ALL!!! LOL!

Monday, March 9, 2009

Paalam Kiko


Pumanaw na si Kiko. Oo, si Francis “Kiko” Magalona. Feeling close mang pakinggan, ay nakakalungkot talagang isispin ang malaking kawalang ito. Naging instrumento siya sa larangan ng musika na nagmumungkahing mailabas at mapakinggan ang saloobin ng kabataang pinoy. Ang kanyang sinimulan ay nagsilbing pugad ng mga talentadong taong may malaking adhikain sa inang bayan. Maraming mga musikerong sumikat at humubog sa isipan ng karamihan kung paano mahalin ang sariling atin at palaguin ang natatanging nakatagong talento. Ang dating Pepe ay binuhay ni Kiko sa kanyang mainspirasyong kanta na kung saan ay pilit na inaangat ang sambayanang Pilipino.

“….The master rapper has finally wrapped up to meet his Master…”
(- Joey de Leon)

Thursday, February 26, 2009

My Prayer

When your burden seems the hardest
And tears stream down your face,
"Come, speak and I will listen"


I lift you up to gaze the wonders in the sky.
Though, in your heart, you can't hear what I say.
"Come, let’s enjoy and I will show you the way."


This world, I began to love
How foolish, that You, I subside!
I'm longing for that warmth of embrace.


Eyes kept closed in the dark, coz you’re afraid.
Let me see thy yearning face and wounded heart.
I lit the candle of life..
"Come, and feel my embrace"



I need to speak out!
These clutters inside my heart
Listen O God.

Thursday, February 12, 2009

Kayang-kaya!



Madalas kong binabalik tanaw ang retratong ito. Ito ang araw/gabi ng huling pagtutuos sa aming dakilang proyekto- Feasibility study tungkol sa pagtatayo ng Flower shop. Mahusay daw kami sa "cramming" activities kaya't naabutan kami ng gabi para lang balansehin ang financial statements. Paano kasi, puro theoretical lahat ng figures. Sa kalaliman ng gabi, nagtatawagan ang iba't-ibang grupo at nagkakamustahan kung ano na ang development ng proyekto. Panay din ang kanchaw sa mga kulelat na grupo at meron ding hingian ng mga tips kung pano makalusot sa delubyo. Hindi maitanggal sa aming sarili ang kaba at alinlangan na baka hindi namin maipasa sa nakatakdang panahon, kaya lahat kami ay abalang-abala sa pagsalik-sik ng iba't-ibang sources na pwedeng makunan ng panibagong ideya. Helpful ideas ika nga!
Sa gabing iyon, ay naging primary consumer kami ng "jack and jill". Halos magkasakit na sa bato dahil sa dami ng maaalat na junk foods na nilamon para lng labanan ang antok. Hindi rin mawawala sa usapan ang ice cream at cake. Paano kasi, (mayaman si mama hehe) alagang-alaga kami ng pamilya ng aming isang kagrupo. Matapos makita ang aming tumatagingting na marka sa first draft ay...akalain mong ginanahan pang pakainin kami at di lng basta pagkain..masasarap na pagkain. Mula gabi hanggang umaga, sponsored ang aming mga pagkain. Isama mo na dyan ang pagligo at tulugan. Naging malaking balakid man sa amin ang mga numerong iyon, nagtagumpay na man kami sa aming pinaghirapan. Kinabukasan, alas 4 ng hapon, naging ganap na proyekto na ang aming pinaghirapan. Presentable na para sa defense.

Para sa kaggrupo kong si Maan, kahit wala ka sa picture, utang pa rin namin ang pag kuha nito at sa pagchoreo..hehehe...

P.S. nalaman ko na lang.na ginamit ng ibang lower years ang ating project as reference..wow ha..hehehe..kung alam lng nila...

Thursday, February 5, 2009

valentine's puso

Games or eynterneyt? Hanep talaga ang tagabantay ng isang internet cafe malapit sa amin. Pinapatawa ako sa tuwing maglolog-in na ako. "Kyomputer number 18 sir" (grabeh na toh). At heto, nagbalik na naman sa aking pagbloblog. Wala na yata akong oras para dito, pero, dahil masaya ako ngayon, naisip ko na kailangan ko itong ipagputuloy para sa kalayaan ng aking tila isang batang paslit na imahinasyon. Naging marahas ang oras sa akin kamakailan lang. Halo-halong trabaho at problema ang aking sinuong. Nawala sa prayoridad ko ang Fantaserye ni Kiko. Malapit na ang Marso. Malapit na ang graduation. Di ko talaga maiwasang mag-isip kung saan malalagay ang lahat ng mga graduates na ito. (Sana naman ay malagay sa maayos na trabaho yong special someone ko..)
Aba! mas malapit na pala ang Valentine's day! hmmmmm...Parang gusto kong mag-isip ng bagay na pwedeng ibigay at gusto ko..yung simple, pero, panghabambuhay ang dating..yung tipong di malilimutan..(yung hindi nabibili sa mall)..aha! ayun, nasapul ko na..sa ngayon ay..seykreet muna...

Wednesday, January 7, 2009

Back to work kiko

Napakasarap bumalik sa trabaho matapos ang mahaba-habang holidays!(agree?) Hindi ko agree actually. Mga nakatambak na vouchers, scratch papers, unliquidated expenses, budget drafts, proposed meeting skeds, utang sa mini tindahan sa opisina, baso at mug na hindi nahugasan (last X'mas party pa ata), pending advice sa mga Manedyer, at iba't-ibang transaction na hindi tapos sa taong 2008 ang bumulaga sa aking pagpasok sa opisina.Parang gusto ko ng mag new year's resolution. Naaalala ko pa noon, gusto ko talaga makalat ang aking lamesa. Ewan ko nga bah, para sa akin, parang busy tingnan or napakaactive at hindi stagnant. Pero ngayon, parang gusto ko ng magising sa aking kahibangan.
Dahan-dahan, ay maaayos ko rin ito. Inspired yata ako sa taong ito..Welcome 2009. at may panibagong kabanata na naman ako sa aking blog.