Tuesday, December 9, 2008

Sana sa araw ng Pasko



Hindi ko talaga malilimutan ang selebrsyong ito sa aming kindergaten school. Gumanap akong Joseph (tatay ni Hesus) na walang ginawa kundi ang sumimangot. Sabi kasi ni teacher, “Stop smiling Francis!” Paano kasi walang magawa ang ibang cast ng dula: (mga shepherds) kundi ang tuyain ako at pagtawanan. Dahil mabait akong bata, sinubukan ko namang kontrolin ang aking pagtawa. Nanonood ang aking inay sa panahong iyon at siya ang kumuha ng retratong ito.
At isang magandang awitin ang aming inihandog:


Away in a manger,
No crib for His bed
The little Lord Jesus
Laid down His sweet head

The stars in the bright sky
Looked down where He lay
The little Lord Jesus
Asleep on the hay

The cattle are lowing
The poor Baby wakes
But little Lord Jesus
No crying He makes

I love Thee, Lord Jesus
Look down from the sky
And stay by my side,
'Til morning is nigh.

Be near me, Lord Jesus,
I ask Thee to stay
Close by me forever
And love me I pray

Bless all the dear children
In Thy tender care
And take us to heaven
To live with Thee there

Malapit na ang araw ng Pasko at nais nating lahat na maging maligaya. Sa ating pamilya ay mas masaya kung sama-sama sa Noche Buena at sa pagbibigayan ng mga munting regalo. Isang ekspresyon ng pagmamahal ang pasko. Hindi sa mga regalong natatanggap o sa mga masasarap na pagkain kundi sa kalinisan ng loob at pagpapatawad. Hindi maipaliwanag ang kasiyahan na tinutukoy ko. Ang mga sandaling makumusta ang iyong mga kaibigang matagal mo ng ‘di nakikita at ang mga pagtitipon-tipon ng barkada at ang makitang masayang-masaya ang iyong mga kapatid sa iyong ibinigay na regalo. At higit sa lahat ang pagtanggap sa iyong mga maling nagawa at ang pagsisimulang baguhin ito.
Sana maging ganun kasaya ang aking pasko.

Thursday, November 27, 2008

Award from MAYAlicious



Ang award na ito ay galing kay Maya. Salamat. I'm passing this to RJ, Dylan, Bam the great, kosa.

Tuesday, November 25, 2008

10 facts about Francisko

Tag from Vhonne slash Batanggero slash Drunk Writer , Arnie and Maya.

10 Facts about myself:

1. I am a BS in Commerce Major in Mgt. Acctg graduate, pero napunta sa trabahong pang Industrial Engineer.

2. Mahilig ako sa mellow music

3. Ultimate dream ko ang makasulat ng libro at maging isang mahusay na speaker (inspirational).

4. Kaya nga idol ko si Bo Sanchez at Bob Ong.

5. Isang exam na lng ay black belter na ako sa Tang Soo Do (Moo duk Kwan), pero matagal-tagal ng walang practice.

6. Paborito ko ang meat balls at mainit na macaroni soup sa umaga.

7. Paborito ko ang Philosophy

8. Minsan ko na ring tinangkang pumasok sa seminaryo (Heswita). (hmmm.. post ko kaya ito hehehe..)

9. I’m really particular sa time. I hate late comers..hehehe

10. Panganay sa magkakapatid. Strikto at huwarang kuya.

Gusto ko ring makaalam ng 10 Facts about these people: Shelo, Justkyut, RJ, Marie, Bam, at Bam the great ... cge na go...

Thursday, November 20, 2008

Nakaward!

thanks bam for the award..so deeply thoughtful..




The rules of the award are:
1. The winner can put the logo on his / her blog.
2. Link the person you received your award from.
3. Nominate at least 7 other blogs.
4. Put links of those blogs on yours.
5. Leave a message on the blogs of those you have nominated.

Previous awardees: Mabelle, Prily, Ate Norma, I Love Philippines Too, Shenga, Nova, WebbieStuffs, Nancy, Webloglearner, Pinay Wahm, and My So Called Life, Let’s Spice Things Up, Beauty and Shop, Idealpinkrose, allin, kimchiland, Korean Food, The Paper Vision, Embrace Simplicity, Me and Mine, A Window To Our World, A Grateful Heart, Can of Thoughts, A Mother’s Stuff, http://housewifeatwork.blogspot.com/, MommaWannabe, Lourdes Mia, Praning’s Shoutout, When Silence Speaks, Etc Atbp, Aeirin’s Collections, Life is What we Make it, Underneath It All, Cellulitic Bliss, 100% Kelly, C'est La Vie, Our Family Adventure!, As We Face Forever, BeinG mYselF, The Pakarazzi Experience

I am passing this award to kosa, rj, paperdoll, Dylan, bagito, myk2ts, maya.

Tuesday, November 18, 2008

Fermentation in prison

May malaking kaibahan ang C.A.T. (Citizens Army Training) ngayon at noon. Kadalasan ay inihahambing natin ito sa pagbibilad sa araw ng mga kadete, pagmamarcha,tactical inspections at iba pa. Ngunit sa kwento ng aming mahal na propesor, noong kapanahunan niya (taong 1980's), ay ibang-iba ang kanilang C.A.T. Program. Nagsilbi sila sa isang City Jail. Doon ay tumutulong sila sa pag rarasyon ng mga pagkain at sa pagbabantay ng mga preso. Nakakatakot ngunit malaki din ang naging papel ng training sa kanyang pagkatao. Hindi maiiwasang magkakaroon sila ng diskusyon sa mga preso: mapalablyf, kalokohan, buhay-buhay, dahilan sa pagkakakulong. Kailangan din nilang makihalubilo upang makabuo ng isang report tungkol sa isang buhay preso. Marami siyang nasaksihan doon ngunit ang 'di niya makakalimutan ay ang gawain ng isang presong abalang-abala sa pagfile ng mga nakalobong cellophane (kulay pula, pambalot sa pandesal). Hindi niya talaga maintindihan kung para saan ang mga bagay na iyon. Isang araw, tsempong naabutan niyang ginagawa ulit ang di ordinaryong gawain ng isang preso. Sumagot naman ang preso at ibinulgar kung para saan ang mga naiipong pastics: "Ahhh, eto sir..eto ang panandiliang aliw namin dito. Baka gusto mong i-try sir?" Medyo nagduda si sir baka illegal ang kanilang ginagawa, ngunit tinanung pa niya ito kung ano ba ang laman ng cellophane. Nang sinagot ng preso ang "highlight" question, nakaramdam ng extreme pandidiri si sir. Natawa, gustong masuka ni sir dahil nalaman niyang iyon pala ay utot. Fermented na utot. At nakuha pa ng presong ipasubok ang taglay na "sweet aroma" sa aming sir. Nakakatawa mang isipin ngunit di pa rin namin maiwasang magtanong kung nagdudulot ba talaga iyon ng sensation (hahahha). Nagulantang talaga ang aming klase sa kwentong iyon.
Eh, sir paano kung utot ng kilalang artista? paano kung galing sa isang foreigner?? Sir, di kaya flammable iyon? hahahahaha...at marami pang mga tanong na lalong nagpagulo sa klase.

Monday, November 17, 2008

Spag moment

Naisipan kong mag treat ng spaghetti. Pero hindi sa Mcdo o sa Jollibee kundi sa panalong luto ni nanay. Madali lang palang magluto ng spaghetti. Hindi ko naisip iyon nung nasa grocery pa ako habang abala sa pagpili ng mga sangkap. First time ko kasi. Hindi ko matiyak kung alin ba sa dalawa ang tatlong pakete: ang spaghetti sauce o ang tomato sauce. Nakakalito! Aba’y, pareho lang naman yata ‘yon sila ah. Parehong sauce. Parehong mapula. Habang ako’y nagdedesisyon sa dapat kong piliin, ay inuna ko muna ang hotdogs, ground beef, pasta (na tumaas ang presyo) at keso. Salamat na lang at tinext ako ni nanay sa dapat kong piliin. Tatlong pakete pala ng spaghetti sauce at isang pack na malaki ng tomato sauce. Kinabukasan, ay sinimulan ni nanay ang pagluluto. Gusto kong tumulong pero, nagpasya akong mag obserba na lang. Madali lang talaga, ngayon ko pa namemorya at nakabisado lahat.
Dinalhan ko rin ang mga malalapit sa aking kalooban (sa skul) at doon kami kumain sa fudkort. Nasiyahan naman akong nasarapan sila sa dinala ko. Siguro ngayong pasko, ako na ang magluluto at sana, matutunan ko na ring magluto ng iba pang lutuin.

p.s. sa isang kasama ko...salamat din pala sa chicken joy (kahit galing sa ref.hehehe)

Thursday, November 13, 2008

Por pabor lola

Nakasanayan na ng karamihang pinoy ang sumubaybay ng mga soap opera at telenobela sa telebisyon. Naaalala ko pa noong pinupromote ng lola ko ang Mari-mar na pati ang mga kabataan sa bahay ay naadik na rin sa panonood. Kada gabi ay present si lola sa sala namin at buong lakas niyang inaabot tanaw ang palabas dahil sa malabo na ang paningin niya. Minsan nga ay napasobra ang pagsubay-bay ni lola (sabado pala 'nun), umupo siya katabi ko at nagtanung kung si Mari-mar ba ang babaeng nasa programang pinapanood namin. Sumagot naman kami: "di lola...si Ara Mina.." Medyo naliwanagan siyang sabado pala 'nun. Walang Mari-mar (at pulgoso). Sumagot naman siya: "ahhhh, si AraMina Villaroel!"
Nakakatuwa. Ewan ko lang kung joke yun, basta't hanggang ngayon, napapatawa pa rin kaming magkakapatid sa tuwing may makaka-alala.

Wednesday, November 12, 2008

training with rockychoolo

May mga bagong OJT students na naman sa opisina. Bakas sa kanilang mukha ang medyo pagka-alanganin dahil sa hindi malaman kung anong dapat gawin. Dumaan din naman sila sa isang lecture na kung saan natutunan nila ang mga tamang gawain sa loob ng opisina o business establishment. Malaki talaga ang kaibahan sa iyong performance sa klase sa "hands on" na gawain. Hindi rin maitatanggi na mahirap ding mag-assign ng mga gawain sa mga OJT students. Dapat 'yung naayon lamang sa kanilang nalalaman at sa mga bagay lamang na dapat nilang malaman. Tandang-tanda ko pa noong nag-o-OJT ako sa isang bangko. 1st day pa lang ay pinaupo lang kami at pinaobserba sa mga karaniwang transactions (observation phase..hehehe). Ewan ko lang sa aking partner kung naobserve din nya ang mga kutis ng mga teller doon (tsk tsk). Kinabukasan, may naka-assign ng trabaho sa amin (yahoo!!). Excited kami. Pero, sobra yata ang expectation namin, dahil sa unang araw namin ay nilapagan kami ng isang kartong continuos paper at pinapunit ang gilid na bahagi ng mga papel (yung may mga butas..) Sa kabila ng pagkadismaya ay malugod naming tinanggap ni Rockychoolo ang very stimulating na trabaho. Maya maya ay napromote bigla ako - dahil maari na akong sumagot ng tawag sa telepono..(hahaha). Mabilis kaming magtrabaho. Madalas din naming gawing biro ang pagpaplano sa pagloob ng bangko. Tinitingnan din naming mabuti ang mga kumbinasyon ng numerong iniikot ng manager sa pag-open ng vault. Nakaupo lang kasi kami malapit sa vault. Nasaksihan ko ring makuryente ang kasamahan ko sa paghawak niya sa pintuan ng vault, kaya't naging maingat na ako sa pagpasok doon. Malugod din kaming tinanggap ng mga empleyado doon at makalipas ang isang linggo ay nakasanayan na rin nilang utusan kami. Minsan ay tumutulong kami sa pagbibilang ng mga bills at coins. May instance nga na may isang batang chubby na pumunta bit-bit ang kanyang alkansya. Balak daw mag-open ng kiddie savings account at ayun pinabuksan ang piggy bank at pinabilang ang mga baryang laman. Natuwa ang bata habang kami ay kumukulo ang dugo dahil sa iniistorbo kami sa pagbibilang. Sari-sari ang laman ng alkansya- may mga tokens, coins sa ibang bansa, kaya masaya kaming lahat. Mabait talaga ang mga empleyado doon, sa katunayan nga ay, pinasali pa nila kami sa kanilang Christams Party.
Hindi lang naman sa klase ng trabaho nakadepende ang halaga ng training kundi sa pamamaraan din ng yong pakikisalamuha sa mga taong nakakasama mo.

Tuesday, November 11, 2008

shhhhh


May ideya ba kayo kung sino ang unang nakaimbento ng pamamaraan sa pag clap ng hands? palakpak? Kung bakit natin ito ginagawa pagkatapos matunghayan ang isang kanta, sayaw, tula, atbp sa isang okasyon. O kahit sa larangan ng basketbol, volleyball, wrestling,mtm nakukuha nating pumalakpak. Nakatatak na nga bah ito sa'ting utak. Hindi ko naman maala-alang tinuruan ako ni nanay, tatay, teacher ng ganitong "talento!" (close/open lng ang maala-ala ko). Bago natin sagutin ang katanungang iyan ay tumahimik ka muna (sundin ang sinasabi ng haponesa sa larawan) at huwag kang pumalakpak.
Sagot: Ayon sa aking nabasang artikulo, nakagawian ng mga sinaunang tao ang pumalakpak tuwing "nagcha-chant" sila. Habang sumasayaw ay sumasabay ang mga manonood sa pagchant sa pamamagitan ng pagclap ng hands. Hanggang nauso ito tueing may mga presentasyong dinadaos gaya ng sayaw, kanta, at iba pang pagsasadula. Ewan ko lang kung sinubukan nilang gamitin ang mga paa sa sa pag palak-pak.
Napahaba yata ang intro ko. Ang main topic ko talaga dito ay ang senyales ng "Huwag maingay" o "shhh." Bakit ganito? Oh, kita mo, sino na naman ang nagpauso nito. Paano nagkaganito ang senyales 'pag sinasabihan kang tumahimik? Bakit hindi na lang 'yong tatakpan ang bibig? o yung middle finger ang gamitin? Sadyang malikhain talaga ang mga sinaunang tao. Kung may nagpauso ng papaya dance, spaghetti pababa, otso2x, sigurado tayong, may unang taong may pasimuno sa ganitong senyales. Hmmmm, any idea?

Friday, November 7, 2008

Si Patrick

Time na at wala pa si sir. May gurong pumasok na di naman namin kilala. Wala daw si sir kasi may forum na sinalihan. Sub teacher siya. Kaya ang ginawa niya ay pinasulat ang aming mga pangalan sa isang pirasong papel at ang paborito naming "motto" in life. Libangan siguro kasi wala ang aming mabait na guro. Walang pormal na klase. Nang pinasa na ang papel na puno ng pangalan, binasa ito ni sub-teacher. Malakas ang kanyang pagkakabasa na para bang gusto kaming i-recognize..Hanep ang mga kasabihan..pero, walang makakatalo kay patrick..ang motto niya sa life: "Hit me baby one more time!"..

P.S. Walang magawa

Wednesday, November 5, 2008

AEIOU!

Masayang mag biyahe lalo na ‘pag ang mga kasabay mo ay ang mga walang modong, maiingay na mga kumag na barkada. Maraming mga diskusyon ang nabubuo dahil lamang sa mga nakikitang bagay sa loob at labas ng bus. Gaya na lang ng mamang nagbebenta ng mani at mala propetang nilalang na binibigkas ang mga katagang nagpapatunay kung gaano tayo kamahal ng Panginoon (at pagkatapos ay hihingi ng offering-in kind or in cash). Ibang klase ang ganitong trabaho, lalo na’t laway at kapal ng pagmumukha ang kinakailangan. Kakayanin ba ito ng isang fresh graduate, lalo na’t galing sa isang ekslusibong unibersidad? Pinalakas talaga ang loob ko ng mga taong iyon. Kung kaya nilang magtrabaho at dumiskarte, lalong mas kaya kong maghanap ng maayos at marangal na trabaho. Ni hindi nga siguro nakatungtong ng hayskul ang mga iyon. Hindi dumaan ng mga Accounting at Marketing subjects. Kagaya na lang ng mamang may dala-dalang ahas at pumepwesto sa mga park. Nagbebenta siya ng mga herbal na gamot at langis gamit ang ang isang improvised na sound system (nakakabit sa baterya ng sasakyan). Nakakamangha ang alam niya: Electrical/Mechanical engineering para sa sound system, Marketing strategy sa pagengganyo ng mga customer/ manonood, medicine para sa murang gamot at iba pang alternatibo (kagat ng aso, ahas, insekto, atb.) at minor in magic (nakukuha pang magsalamangka!). So, walang dahilan na hindi makakakuha ng isang marangal na trabaho ang isang college graduate.
Ewan ko lang kung naisip din yun ng mga kasamahan ko sa biyahe (korni kasing gawing topic yon..)
Makalipas ang mahigit isang oras na kwentuhan, ay napadaan kami sa isang terminal. Doon, bumaba ang karamihan (kasali ako) para mag c.r. Pero,nagkaproblema, kasi kailangang magbayad bago mo magamit ang kanilang urinals. ‘Di ko talaga nagets kung bakit?
O siguro, ‘di ko lang nabasa (naintindihan) ang karatulang: Ehe – P3 ; Lebang – P5.

Natawa na lang kami sa karatulang iyon, muntikan na kaming mapa-ehe sa bus! Hahaha.

Monday, November 3, 2008

hapi burp day

Naging masigasig akong patnubayan ang aking kasama sa pag-order niya sa counter. Dahil nga sa birthday niya, 'di ko maiwasang magoffer na ilibre siya. Pero ayaw talagang paawat, nilibre nya ako.(hahaha!)Alam natin na ang family size na pizza ay pampamilya (pangmaramihan). Napatawa siya ng tanungin ng babae sa counter kung take out bah. Ano bah, kaya nga naming ubusin eh! Hanggang sa pagdeliver ng waiter sa aming lamesa nagsitinginan ang bawat tao sa loob ng restaurant (parang gusto ko na lang take-out). Pero, di umubra sa aming gutom na sikmura ang family size na yan. Wala kaming pakialam sa mundo. Ganyan talaga siguro pag gutom. Tahimik sya, tahimik din ako. Inoobserbahan namin ang paligid kung nakatingin pa sila o hindi na (hanggang dito ba naman, may spy!). Mabilis kumain ang aking kasama. Habang ako'y nakatatlo pa, siya ay last piece na..hehehe..Habang hawak na niya ang kanyang pang huling pizza ay, nakapako ang tingin niya sa natitirang pizza (akin yon!)..hahaha..Hindi ako nasorpresa na kaya nyang ubusin yon (kahit nga wla ako siguro eh kaya niya..hehehe), ngunit doon talaga ako namangha sa kahiligan niya sa hot sauce! Parang di nakakakilala ng anghang! Akalain mong tumutulo na ang aking luha, habang siya ay parang nasa rurok ng kaligayahan. Iyon ay isang maligayang kaarawan at happy burp day talaga.

Wednesday, October 29, 2008

pinoy talaga..

Inatake ako ng lagnat at wala akong ganang mag-isip. Walang ganang magsulat. Kaya't ipapakita ko na lang itong aking natanggap mula sa isang kaibigan.
Ano nga ba ang pinoy action movies?

Laging umiikot ang istorya sa paghihiganti...
Ni-rape ang kapatid ng bida o pinatay ang kamag-anak
nya (nanay, tatay,ate, kuya, kinakapatid, kabiyak, anak,
pinsan, tiyo,tiya, lolo, lola, ninong,ninang, apo,
apo sa tuhod, apo sa talampakan, ninuno)

Isa sa mga eksena e babastusin sya o syota nya ng
mga nag-iinumang istambay.
Magkakagulo sa isang okasyon (kaarawan,kasal, binyag, burol)
Hindi nakakaramdam ng sakit ang bida sa bakbakan,
pero sisigaw ito at aaray pag ginagamot na ang mga sugat nya
ng isang babae.

Smoker at mabisyo lagi ang kontrabida.
Lagi itong may mga uto-utong tauhan o "mga bata". At
laging naka-jacket kahit tanghaling tapat.

Ang kuta ng mga kalaban e sa warehouse o malaking
bahay.
Lagi ding may eksena sa isang beer house.
May seksing leading lady at may love scene na
pwedeng ikwento sa Abante.

Marunong sa bakbakan ang babae, at kung isang lalake
lang naman e kayang-kaya nitong patumbahin.
Kung ma-co-corner ang bida, hindi ito papatayin,
ikukulong lang.

Mag-uusap ang bida at ang mortal na kalaban nito
habang nag-tutukan ng baril...mahabang pag-uusap, tila baga mag-
syotang nasa telepono.

May malalakas na pagpapasabog kahit na hindi naman
kailangan.
Walang malalakas na pagpapasabog kahit na kailangan.
Kahit ano sumasabog pag binaril. Pati puno, sumasabog.

Mura lang ang baril at pwede itong itapon kung wala
nang bala. Makakapulot ang bida ng baril na may bala tuwing
kinakailangan.

Marunong at asintado sa baril ang leading lady kahit
na hindi pa siya nakakahawak nito sa buong buhay nya.
Kaya ng bida ang dalawampung tao sa bakbakan dahil
hindi naman sila sumusugod ng sabay-sabay, laging isa-isa,
parang sayaw.

Hindi tinatamaan ng bala ang bida kahit na tatlompung tao
ang bumabaril sa kanya, pero lahat sila tinatamaan nya.
Laging sa lupa tumatama ang bala ng kaaway. Tamaan
man sya ng bala ay laging daplis lang ... hindi pwedeng sa ulo
o sa puso.

Siyam (9) ang buhay ng bida. Doble pa nito ang buhay
ng leading lady. Kung mamamatay man ang isa sa kanila e
makakapagsalita pa ito ng isang page ng script bago
malagutan ng hininga.


Huli darating ang maraming pulis ... at wala
silang pakialam sa bida, kahit na involved ito sa riot!
(Pack up na!)

Tuesday, October 21, 2008

watever lolo...

Bad trip si lola nang malaman nya ang resulta sa "last 2" draw. Napadaan si Aling Vivian bit-bit ang baldeng lalagyan ng kanin baboy, ng tanungin siya ni lola sa resulta ng draw kagabi. Napasigaw si lola, napa....napa"yakkksss!" Talaga naman oh, astig ang expresyon ni lola.(di na lang ginawang "eeeeww"). Pusoy c lola. Siguro malaki ang taya niya, hmmmm. Anyway, sa kabila ng kanyang pagkatalo, ay nagawa pa niyang ipaliwang na iyon raw ay hobby lang niya. Libangan.
Ipinagbawal na ang libangang ito, kagaya ng jueteng, pero talamak pa rin ito sa kanayunan. Sabi nga nila, hangga't may lotto, 'di mawawala ang "last 2", kasi doon kinukuha sa mga bolang napili ang resulta- ang last 2 balls.
Linggo iyon at tamang-tama, may niluluto siyang pork adobo. Talagang ginutom ako sa sweet aroma. Habang nagluluto si lola ay abalang-abala din siya sa pagsasalita. Sa tingin ko, sa tuwing nagluluto siya ay iniisip niyang nasa harap siya ng kamera at may mga nanonood. Naging malaman ang aming diskusyon from "hues de kutsilyo" hanggang teletubbies..pati friendster ay di nakatakas sa aming topic. Naging makulay ang aking pananghalian dahil sa ulam na adobo. Higit sa lahat, masaya akong natutunan ang mga bagay na napagdaanan ni lola.

Ako kaya, pag dumating na ang panahong matanda na ako, wrangler na...maikukwento ko pa ba ang pagfri-friendster at pagblo-blog sa aking magiging apo? Ano kaya ang dating nun sa kanila?
Apo: "Yuck,lolo, watever!, ur such a loser!"
Lolo: "Aba'y salbaheng bata ka! humanda ka sa blog ko..tse!

Tuesday, October 14, 2008

Sigbin

Alas 3 na ng hapon at inaatake ako ng antok, kaya’t naisipan ko munang libangin ang aking sarili. Dito sa opisina, saging at kamote ang bubulaga sa iyo sa ganitong oras. Minsan naman ay binignit at kung mdyo kapos, pinagtitiyagaan ang 3-in-1 na kape at skyflakes. Nagsitaasan na talaga ang presyo ng mga bilihin. Akalain mong umakyat sa limang piso ang isang tuhog ng camote at saging! Bale, kung ililibre mo ang iyong buong department, ay gagasta ka ng mga 200 pesos para pang merienda lang, at isali mo pa dyan ang softdrinks. Anyway, heto tuloy ako ngayon, kumakain na lang ng donuts. Mas masarap kasi at mas mahal syempre. Ang labo ano?hehe. Nagtext ang kaibigan ko nung hayskul at nangungumusta (palibhasa petsa kinse na bukas, ehem..). Matagal-tagal na rin kaming ‘di nagkikita. Medyo nagbalik tanaw ako sa mga kalokohan namin noon, napatawa ako. Di ko lubos akalaing sariwa pa rin ang mga alaa-alang iyon. Kay sarap balikan. Mahusay ako sa klase. Nag-aaral ako at nakakalusot sa mga oral recitations.
Pero, ibang klase tong kakilala ko kasi napahanga niya lahat kami, matapos niyang sagutin ang katanungang : “Ano ang salitang ugat?” Di kasi nakikinig sa mga oras na iyon at panay ang pag-dudrawing ng mukha ni Eugene at Toguro (with sound effects pa..rei gun!!!). Kaya yun, wla siyang nagawa kundi tumayo at sumagot: “uuhh, maam, Ang salitang ugat..ay binubuo ng mga varicose.” Talagang napahalakhak kami nun. Kaya pagtung-tong ko ng kolehiyo, ay ‘di ko talaga pinalagpas ang Filipino. Pati ang mga pagsasadula ay kinarir ko na. Pero, di nagtatapos sa Filipino ang katatawanan. Pati sa Religion classes namin ay nagpasiklab siya ng lagim. Napaka energetic ng guro namin noon sa Religion. Halos di niya na nga napapansin ang uniporme nyang parang ginawang pambura sa black board. Passionate talaga. Mahirap ang tanong niya kung ‘di ka nagbasa: “Jesus Christ died on the cross to save us from our…” walang sumagot. Kayat binigyan nya kami ng clue:.” From our….original….” , wla pa rin. “Starts with letter S”. At may nagpasobog ng bomba: “original sigbin!”
Alam ko korni toh kung babasahin pero yun talaga ang naging dala ng kaibigan ko ngayon. Pinaalala niya ang mga kalokohan.

Monday, October 13, 2008

Paalam ISO.

Hindi ko maipaliwanag ng diretso kung bakit gusto kong magsulat sa pahinang ito sa wikang Filipino. Sa mga nabasa kong artikulo nina: Jack (kahit mdyo for adults only hehe), bam the great (magaling sa tula), myk2ts (isang kilong bigas), at iba pa, ay umangat ang aking elementong mental at emosyonal na tahakin ang landas ng isang "tagalog-speaking" na blogger. Truly Inspiring. Salamat sa inyo.

Ngayon ay "busy daw" ako at medyo gutom. At para samantalahin ko ang pagkakataong ito, binubusog ko ang aking imahinasyon sa mga bagay na dapat kong ipalabas. Marami akong gustong gawin. Marami din akong gustong puntahan. Pero mas nais kong "ito'y" masimulan. Ilang araw na lang din, ay aalis na aming batikang kasama sa trabaho. Isang lider. Magaling. Sa kabila ng mga pagdududa sa sarili at sa mga limitadong kakayahan ay nagawa pa rin naming kumbinsihin ang sarili na ipagatuloy ang nasimulang proyekto. Bakit ko ba sinasabi ito? Di bale, may kabuluhan na man yun eh. Ganyan nga siguro ang mundo sa isang workplace. Kailangan mong makisalamuha at magsikap para matuto ng mga bagay na di natututunan sa eskwelahan. Kung gaano daw kahirap maghanap ng trabaho, eh, akalain mong, mahirap din palang mag bye-bye sa sa iyong mga kasamahan, sa kumpanya lalo na sa boss mo. Mahirap at awkward magpasa ng resignation letter. Mahirap. Nakakahiya. Bakit ganoon? ('di ako makarelate eh..hehe). Sa mga kasamahan kong (blogger din..haha) umalis na, aalis pa, nagpaplano, paalam at maraming salamat. Kay watadid/vinkoi na may pasimuno sa blog sa opisina at nagturo sa akin ng "the quick brown fox jumps over the lazy dog..." (kayat namemorya ko na ang keyboard), at kay sir PJ na talagang magaling ('di lang sa kompyuter, hehe), maraming salamat sa inspirasyon at leksyon.